Kalat na, dahilan ng hiwalayan ni Angel at ng mister… MAXENE, BUNTIS DAW KAY NEIL PERO TODO-TOMA
- BULGAR
- Nov 17, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 17, 2022

Nagtataka kami kung saan nanggagaling ang mga kuwentong umiikot ngayon sa social media na nagkabalikan na diumano ang dating magkarelasyon na si Maxene Magalona at ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce.
Isang dekada na ang lumipas mula nang mapabalita noon na nag-date sina Maxene at Neil nu'ng taong 2010 hanggang 2012.
May iba pang naging GF si Neil pagkatapos ni Maxene tulad na lang ni Bela Padilla bago napangasawa ng businessman si Angel nu'ng year 2021.
Komo't inamin ni Maxene kamakailan lang na hiwalay na sila ng mister na si Rob Mananquil, bakit kaya muli siyang iniuugnay kay Neil na kasama naman ni Angel nang ilang buwan sa kanilang honeymoon sa Spain?
Ang siste pa, kasama sa ikinakalat na kuwento sa socmed na buntis diumano ngayon si Maxene at si Neil ang ama.
Ang ipinagtataka namin, kung totoong buntis si Maxene, bakit wala naman kaming makitang umbok man lang sa napakanipis na tiyan nito nang mag-post ng whole body picture niya sa kanyang Instagram account nu'ng Martes nang gabi kung saan aniya ay bridesmaid siya sa wedding nina Brent Javier at Janna Tee.
May chika pa ngang nakarating sa amin na kahit sa wedding reception ay uminom pa ng wine si Maxene, na siguro naman, kung alam niyang buntis siya at may maaapektuhang bata sa kanyang sinapupunan ay hindi niya gagawin.
Samantala, wala pa ring direktang pag-amin o pagtanggi sa parte nina Angel at Neil sa napapabalitang hiwalayan nila, at fake news din na binura na raw ng aktres ang mga photos nila ng mister sa kanyang Instagram account.
Hmmm… feeling namin, naghahanap lang ng pagkakakitaan ang ilang gumagawa ng fake news sa YouTube para panoorin ang kanilang channel.
Ang siste, marami kasi ang madaling maniwala kaya… paaak, kawawa ang mga nabibiktima!





Comments