top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

KALAT NA: BISTEK AT ISKO, PASOK SA GABINETE NI PBBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 18, 2023




Bagama't next week pa magkakaroon ng formal announcement kung sinu-sino ang mga bagong personalidad na magiging bahagi ng gabinete ni President Bongbong Marcos, may kumakalat na tsika kung sino ang mga nasa listahan at maugong na maugong sa ilang media na nagko-coverage sa Senado ang ilang pangalan na nasa "Magic List."


Bukod kina Doc Willie Ong, Gringo Honasan, Gibo Teodoro at Mar Roxas, maingay ding kasama raw sina Herbert Bautista at Isko Moreno.


Ngayon pa lang ay excited na ang mga supporters nina Bistek at Isko at nagdarasal na ang mga ito na makapasok sa gabinete ni P-BBM ang dalawang masisipag na dating public servants.


Hindi man sila pinalad na manalo sa mga tinakbuhang posisyon noong nakaraang election, magiging asset naman sila sa gabinete ni P-BBM.


Makakatiyak ang publiko na sila ay maayos na maglilingkod dahil sanay na ang dalawa sa pamamalakad ng local government.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page