KALAT NA: ALDEN, AYAW NA RAW MAKASAMA SI MAINE SA SHOW
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 19, 2023

Ayaw naming paniwalaan ang lumulutang na isyu ngayon na diumano, ayaw na ni Alden Richards na makasama pang muli si Maine Mendoza sa anumang show o project.
Kung sakali raw na kukumbinsihin siyang muli ng Eat… Bulaga! sa rebranding nito, eh, hindi siya pipirma kung kasama niya si Yaya Dub (Maine).
Well, tiyak na fake news ito dahil hindi naman siguro magde-demand nang ganito si Alden kahit na sikat na sikat pa siya.
At of all people, bakit si Maine Mendoza pa ang kanyang tatanggihang makasama sa show samantalang malaki rin naman ang naitulong ni Maine para umangat nang husto ang career ni Alden Richards, lalo na ang phenomenal nilang tambalang AlDub.
At kahit may BF na si Maine at malapit nang magpakasal kay Arjo Atayde, friends pa rin naman sila ni Alden Richards, 'noh!





Comments