top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

“Kalansay” at “multo” mula sa mga panukala ng Kamara, buking sa pagbusisi sa 2021 nat’l budget!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 21, 2020



Sinimulan na ang pagbusisi ng Senado sa 2021 budget.


At naglabasan ang kalansay at multo mula sa panukala ng Kamara!


◘◘◘


Pinuna ni Sen. Panfilo Lacson ang “disparity” o unfair na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista kung saan tinukoy nito ang bilyun-bilyong inilaan sa distrito sa Davao, sa Benguet, Albay at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang.


Anubayan?


◘◘◘


Inihalimbawa ni Lacson ang isang Distrito sa Davao may budget sa infrastructure na aabot sa P15.351-B; sa Albay ay P7.5-B; sa Benguet ay P7.9-B ; habang sa Abra ay P3.75-B.


Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito, subalit isa sa may hawak ng distrito sa Davao ay si Presidential Son at Davao 1st District Rep. Paolo Duterte!


◘◘◘


Sakop sa 2nd District ng Albay ni Joey Salceda; sa Abra ay si Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap.


Habang naglalakihan ang ilang mga distrito ay may kongresista naman na nakatanggap ng P42 milyon!


◘◘◘


“This is just to point out the disparity in the distribution of the budget. ‘Yun ang honor roll. Horror roll… I just want to point that out, bakit ganu’n ang disparity? What’s in those districts that would merit those appropriations?” pagkamangha ni Lacson.


“Horror roll” ang bansag mismo ni Lacson!


◘◘◘


Nakapagdududa kung maipapatupad ang bilyong halaga ng infrastructure projects.


“The absorptive capacity. Kasi kung sa isang district ‘yan babagsak, I cannot see how that particular engineering district could implement P15.351 billion of infrastructure projects,” giit ni Lacson.


◘◘◘


Maging si Senate President Vicente “Tito” Sotto ay naalarma rin sa puna ni Lacson sa paghahati hati ng alokasyon sa 2021 budget.


“Usually sa pinagdaanan kong mga budgets, ‘yung mga districts, ‘di masyadong nagkakalayo ang amounts ng funding nila, especially sa DPWH. Bago sa akin ito na mayroong ilang district na saksakan ng lalaki ang amount,” paliwanag ni Sotto.

◘◘◘


Naging isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep, Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep Doy Leachon ang hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget kung saan inakusahan ng mga ito si Cayetano na pinaboran ang ilang mga mambabatas.


Sa ilalim ng pamumuno ni Velasco naipasa sa Kamara ang 2021 budget pero grabe ang “horror roll”.


Tinangkang hingan ng reaksiyon si Velasco ukol sa ibinunyag na “horror roll” appropriations ni Lacson subalit tikom ang bibig ng House Leadership.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page