top of page

‘Di pa raw sila hiwalay ng mister… KALADKAREN, TODO-DISPLEY NA SUOT PA RIN ANG WEDDING RING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2025
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 9, 2025



Photo: KaladKaren - IG


Todo-flex ang news reporter-content creator na si KaladKaren o Jervi Wrightson ng mga sweet photos nila ng kanyang British husband na si Luke Wrightson habang nasa Los Angeles, California, USA.


Sa kanyang Instagram (IG) page, ibinahagi ni KaladKaren na masaya silang magkasama ni Luke, na may caption na: “Look who followed me in Los Angeles.”


Ipinakita rin ni KaladKaren ang kanyang wedding ring bilang patunay na sila pa rin.

Nag-viral kasi kamakailan si KaladKaren nang kumalat ang balitang hiwalay na sila ng kanyang mister, matapos ang isang TikTok video kung saan ini-lipsync niya ang kantang We Can’t Be Friends ni Ariana Grande, at ang umano’y pagkawala ng kanilang wedding photos sa kanyang IG feed. 


Gayunpaman, agad na nilinaw ni KaladKaren ang mga isyu, “Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson. Lilinawin ko lang po 'yung issue tungkol sa amin ni Luke. Our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, s'yempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.


“For 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa,” dagdag pa niya.


Tungkol naman sa TikTok (TT) video, sey ni KaladKaren, “‘Yung TikTok ko po na song ni Ariana Grande na ‘We Can’t Be Friends,’ feel ko lang s'ya i-TikTok noong araw na ‘yon.” 


Ipinaliwanag din niyang ang pagkakatanggal ng wedding pictures sa IG ay dahil inaayos ito ng kanyang management para sa kanyang feed, at ibabalik din ang mga ito.


Nagbigay ddin siya ng paalala sa publiko na maging maingat sa mga fake news.

“Napagtagpi-tagpi lang ng netizens 'yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice 'yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue.


“Let’s be responsible with the content we receive and consume,” dagdag ni KaladKaren.


Well, tama nga naman, na kailangan nating maging maingat sa interpretation ng mga napapanood natin sa socmed (social media) at huwag agad maniniwala sa mga balitang wala namang kumpirmasyon mula sa source o sa taong pinag-uusapan tulad ni Kaladkaren.


Text, ibinulgar sa socmed…

JAM, NAGMAMAKAAWA KAY JELLIE BALIKAN LANG


IBINULGAR ng DJ at social media influencer na si Jellie Aw ang screenshot ng mga mensahe mula sa kanyang ex-fiancé na si Jam Ignacio na nambugbog sa kanya kamakailan. 


Base sa screenshots, makikitang nagmamakaawa si Jam na balikan siya ni Jellie at pinipilit niya raw na maging maayos ang relasyon nila. 


Mensahe ni Jam, “Kahit kailan hindi kita kayang lokohin. Nagmamakaawa ako sa ‘yo.


“Nangangarap ako para sa atin... Bakit mo ako ginaganito? Bakit? Sige lang, Jellie... Sige lang. 


“Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.”


Sagot ni Jellie mula sa caption ng IG Story, “Ano gagawin ko? (smirking & doubting emoji).”


Well, balikan pa kaya ni Jellie Aw si Jam Ignacio matapos ang pambubugbog sa kanya nito? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page