top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KALADKAREN, 'DI FEEL AGAWIN ANG TRONO NI VICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2023
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 27, 2023




"Iba talaga ang Star Magic, feeling mo talaga, artista ka," ang binitawang pahayag kahapon ng tinanghal na Best Supporting Actress sa 2023 First Summer Metro Manila Film Festival na si KaladKaren (Jervi Ryan Lisaba in real life) matapos ang ginanap na contract signing niya sa talent management ng ABS-CBN.


Present sa naturang contract signing ang Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi at ang co-manager na si Ms. Kate Valenzuela.


Napaiyak si KaladKaren dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya ng Star Magic.


Inamin niyang nang manalo siyang Best Supporting Actress via Here Comes the Groom last SMMFF, may malalaking talent agencies din na lumapit sa kanya na pinagpilian niya hanggang sa Star Magic pa rin ang final choice niya dahil nasa Kapamilya Network ang puso niya since ito ang unang nagbigay sa kanya ng big break sa telebisyon at pelikula.


Although ngayon, maituturing na rin ni KaladKaren ang sarili na 'Kapatid' dahil nasa Frontline Pilipinas na rin siya bilang showbiz newscaster. Kaya ang sabi nga niya, puwede pala siyang maging Kapamilya at Kapatid at the same time.


Tinanong namin si KK (short for KaladKaren, puwede ba 'yun?) kung ano'ng dream project niya sa ABS-CBN at aniya, mahirap pang masabi sa ngayon dahil matapos niyang mag-Best Supporting Actress at ngayong nagho-host na nga rin siya ng showbiz segment ng Frontline Pilipinas newscast, siyempre ay nag-level-up na ang kanyang career, kaya kailangan talagang pag-isipan at pag-usapang mabuti ang kanyang mga tatanggaping proyekto.


Game pa rin naman daw siya sa comedy at kahit sa kissing scenes, pero dapat nga, 'makabuluhan' na ang mga ito at hindi lang basta laplapan kung laplapan.


Tinanong din namin si KK kung paano niya ide-describe ang sarili at paano siya napaiba kay Vice Ganda na kapwa niya member ng LGBTQIA community at friend pa niya.


Diretsong sagot niya, "Alam mo, ibang level naman si Meme. 'Pag sinabi mong Vice Ganda, Unkabogable Box Office Phenomenal Superstar. Incomparable si Vice Ganda, eh. 'Di mo siya puwedeng ikumpara kahit kanino.


"Iba naman 'yung ginagawa ko kesa kay Meme. Si Meme, nagko-concert, malalaking pelikula, tapos nag-i-stand-up siya, 'di ba? 'Yan 'yung pinanggalingan niya at napakahusay niya sa mga larangang 'yan.


"Ako naman, transgender woman ako, iba 'yung branding ko kesa kay Meme. I also do the news na hindi naman niya ginagawa. Sa hosting, siguro, iba rin 'yung style ni Meme, kasi mas nakakapagpatawa siya, iba 'yung atake niya kesa sa akin. So, I think, hindi siya comparable, magkaiba talaga kahit pareho kaming member ng LGBTQIA+ community. Saka ibang level na 'yun."


Pang-iintrigang tanong namin kay KK, "So, hindi pa ikaw 'yung ipinanganak para agawin ang trono ni Vice?"


Sagot naman niya, "Hindi, hindi. Saka wala akong balak mang-agaw ng trono ng kahit na sino."


Samantala, nabanggit din ni KaladKaren na dati pala siyang writer ng Eat… Bulaga! ng TVJ bago siya nabigyan ng break sa showbiz.


Kaya naman tinanong na rin namin siya kung willing ba siyang maging isa sa mga hosts ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5 na magsisimula na sa July 1 kung saka-sakaling alukin siya.


"Wala pa naman silang offer, pero kung meron, siyempre, isang malaking pagkakataon 'yun para sa akin, siyempre Eat… Bulaga! 'yun, 44 yrs. in the industry. Bilog talaga ang mundo, 'di ba?


Writer ka dati, tapos magiging host ka, why not?" sagot ni KK.


Puwede, 'di ba?!


So, kung may Vice Ganda ang It's Showtime sa GTV, may KaladKaren naman ang TVJ.

Bonggang tapatan talaga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page