top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kalaban ng mga survey firms ang social media, he-he-he!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 26, 2021



P-DUTERTE, PAGKA-VICE-PRESIDENT ANG PRIORITY—Ang ini-endorso ng PDP-Laban (Cusi faction) na panlaban nila sa halalang 2022 ay sina Sen. “Bong” Go for president at P-Duterte for vice-president. At kamakalawa ng gabi ay nagdeklara na ang pangulo na tatakbo siyang VP, pero sa parte ni Sen. Go ay tinanggihan niya ang alok, saka na umano pag-usapan ang pulitika at dapat magpokus sa pagbabakuna.


Mabuti pa si Sen. Go, ayaw munang pag-usapan ang pulitika sa gitna ng pandemya, pero si P-Duterte ay pamumulitika pa rin ang inaatupag, naging pangulo na nga, atat na atat pang maging VP, boom!


◘◘◘


IMBES NA LABAN NG GOV’T. SA COVID-19, PAGTAKBO SA PAGKA-VP ANG IPINAGSIGAWAN NG PANGULO—Pinutakti nang batikos si P-Duterte sa ibinida niyang tatakbo siyang VP.


Mababatikos talaga siya kasi ang gustong marinig ng mga Pilipino sa IATF (Inter-Agency Task Force) sa Malacañang ay diskarteng gagawin ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, at hindi ang deklarasyon ni P-Duterte na tatakbo siyang VP, period!


◘◘◘


DAHIL NAGDEKLARA NA SI P-DUTERTE FOR VP, TIBA-TIBA NA NAMAN ANG MGA SURVEY FIRMS—Matapos magdeklara si P-Duterte na tuloy na ang pagtakbo niyang for VP ay tiyak na may survey firms na naman ang naglulundagan sa tuwa kasi tiba-tiba na naman sila.


Dahil d’yan, asahan nang sa mga susunod na araw ay may mga survey firms na maglalabas ulit ng survey na top si P-Duterte for VP sa 2022, abangan!


◘◘◘


SOCIAL MEDIA, SAKIT NG ULO NG MGA SURVEY FIRMS—Sa totoo lang, ang malaking problema ngayon ng mga survey firms ay ang social media kasi batikos ang inaabot nila sa netizens kapag naglabas sila ng mga survey na hindi kapani-paniwala.


Kabilang sa hindi kapani-paniwalang survey ay ‘yung sobrang taas na rating nila kay P-Duterte sa COVID-19 response kahit magda-dalawang milyon na ang COVID cases, higit 32-K na ang namatay, at milyun-milyong Pinoy ang naghikahos ang pamumuhay sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic.


Dapat isalpak ng mga namumuno sa mga survey firms sa kanilang kukute na hindi engot ang majority Pinoys para paniwalain sa kanilang survey na good ang tugon ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page