top of page
Search
  • BULGAR

Kakambal ni Mavy at GF, war?! CASSY AT KYLINE, NAG-UNFOLLOW-HAN SA IG

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 16, 2023



Naka-unfollow na umano sina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara sa kani-kanilang Instagram account.


Napansin ito ng isang showbiz website at tanong nito, “Did Kyline Alcantara and Cassy Legaspi Unfollow Each Other on IG?”


Wala pang inaamin ang dalawang parties kung totoong nag-unfollow-han na nga ba sila sa IG.


Si Cassy ay ang kakambal ni Mavy Legaspi na ka-love team at usap-usapang dyowa na rin ngayon ni Kyline.


Samantala, si Cassy naman ang nali-link ngayon kay Darren Espanto na naintrigang naging boyfriend noon ni Kyline.


If totoo na naka-unfollow na nga ang dalawang Kapuso actresses sa isa’t isa, ano kaya ang dahilan ng kanilang hidwaan?


Ang iba namang komento, “Sige lang, gawa-gawa ng issue. Galawang GenZ.”


“Awayan ng mga starlet. Cute,” sey ng isa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page