Kakalas sa majority — Marcoleta... Mas masahol pa kay Hudas
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 20, 2026

Photo: Rodante Marcoleta - FB
Sa gitna ng naunang usap-usapan na panibagong kudeta sa Senado, sinabi ni Senator Rodante Marcoleta na “mas masahol pa kay Hudas” ang sinumang kasapi nila sa mayorya na kakalas at lilipat sa minorya.
Aniya, magkapareho ang kanilang sentimyento ni Senadora Camille Villar, na kabilang sa mga miyembro ng majority bloc na dumalo sa caucus noong gabi nang mangyari ang putukan sa Senado.
"Mas masahol pa kay Hudas, ang maghu-Hudas sa amin. Wala kaming pag-uusap. Sinabi ko lang sa grupo namin [sa mayorya]," pahayag ni Marcoleta sa mga mamamahayag nitong Martes.
Sa Kristiyanismo, si Judas Iscariot na isa sa 12 apostoles ang nagtaksil kay Hesus kapalit ng 30 pirasong pilak sa Hardin ng Getsemani. Ang pagkakadakip kay Hesus ay nauwi sa Kaniyang pagkakapako sa krus.
Itinanggi naman ni Marcoleta na may kinalaman ang mayorya sa nangyaring kaguluhan.
"Gaano kayaman ang imagination ng isang tao na kami ang gagawa noon? In-extend namin ang caucus kasi tumawag ang House [of Representatives], totoo naman eh. Sinubmit nila ang Articles of Impeachment, nagbi-briefing kami, hindi pa kami nangangalahati, biglang may putukan," kuwento ni Marcoleta.
Nang mangyari ang putukan, nasa pangangalaga ng Senado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nauna nang tinangkang arestuhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court.





Comments