top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kakalabog sa pista sina Paramount at Cole Is A Role

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2022
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 29, 2022


Magkikita sa pista sina Paramount at Cole Is A Role sa magaganap na 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.


Makakatagisan ng bilis nina Paramount at Cole Is A Role ang ibang tigasing batang kabayo na sina Alindog, Aydan's Victory at Buena Bell sa distansiyang 1,200 meter race,


Gagabayan ni JT Pabilic si Paramount habang si star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang sasakay kay Cole Is A Role sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, napipisil nilang magpapakitang-gilas si Alindog na gagabayan ni jockey JR De Ocampo. "Kalat pa rin ang bentahan diyan kaya kahit lima lang silang tatakbo ay maganda pa rin ang magiging dibidendo," saad ni Wilbert Gonzales, veteran karerista.


May nakalaan ang P20,000 added prize para sa winning horse owner kaya tiyak na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista.


Inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong malulupit na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawaang karera.


Mag-uunahan sa meta sina Quincy, Hunyo Disenueve, Himanshi, Pitong Gatang, Avenue Shopper, Black Magic Woman, Jambo at Miss Rosario sa distansyang 1,200 meter race.


Ikakalat ang added prize na P15,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P10,000 premyo para sa mananalong kabayo.


Mga Tip ni Green Lantern:


Race 1 - Cole Is A Role (5), Paramount (4)

Race 2 - Pitong Gatang (4), Himanshi (3)

Race 3 - Cash Is King/American Dream (4/4A), Viva Forever (2)

Race 4 - Manang Biday (8), Baling Rikit (7), Double Rock (9)

Race 5 - Club Havana/ La Vie D'Or (4/4A), Tiger Boy (2),

Race 6 - Sky Dancer (1), Hold On/Blue Label (4/4A)

Race 7 - Don't Stop Believin/Great Connection (2/2A), Plus (6), Rockaway (10)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page