top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaka and Bachi mapapalaban

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 17, 2021



Magtatagisan ng bilis ang anim na tigasing kabayo sa Condition Race 17 na patatakbuhin ngayong araw sa Metro Manila Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Inaasahang magiging liyamado sa laban ang kalahok na si Kaka And Bachi na rerendahan ni Pabs Cabalejo sa event na may distansyang 1,200 meter race.


Ayon sa mga karerista na nagkomento sa social media, posibleng maging mahigpit na kalaban ni Kaka And Bachi sina Beli Bell na gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year Awardee Jonathan Hernandez at My Jopay na sasakyan ni Christian Garganta.


Nakalaan ang added prize na P30,000 sa mananalong kabayo, ang ibang kasali ay sina Eugene Onegin, Courageous at Sari Bell, ang nasabing event ay inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Kay Beli Bell ako, paboritong kabayo yan eh, kahit madehado siya, tatayaan ko pa rin," saad ni Ringo Casimero, karerista.


Nakatakda ring magpakitang-gilas si Cat Bell pagsalang nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa Race 3.


Gagabayan din ni Hernandez si Cat Bell na inaasahang mapapalaban kontra apat pang kalahok sa karerang may habang 1,400 meter.


Mga nagbabalak na manalo sa karerang nakalaan ang P180,000 karagdagang premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ay sina Eyeshot, Batang Cabrera, Tit For Tat at Eye Opener.


Sina Cat Bell at Beli Bell ay mula sa Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon habang si Donato "Donie" Sordan ang parehong trainer.


Maliban sa laban ni Cat Bell, tiyak na aabangan ng mga karerista ang carry over na P11,420,60 sa Super Six sa Race 4.


May 10 kabayo ang kalahok ang pagpipiliian ng mga karerista sa PHILRACOM RBHS kung saan ang distansyang paglalabanan ay 1,400 meter.


Ang mga kasali ay sina Laughing Tiger, Shinshiro, Unlimited Song, Dancer's Image, Bigmouthbernie,Mccartney, That's My Dad, Keep Sailing, Fruity Pebbles at Winsome Maxxine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page