top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kailangang ipaskil ang original copy ng Certificate of Registration kung saan nagtatrabaho

BULGAR
May 18, 2022
1 min read

ang isang pharmacist


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 18, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako po ay isang baguhang lisensyadong pharmacist at ako ay nagtatrabaho sa isang pribadong parmasya. Sinabihan ako ng aking kakilala na kailangan kong ipaskil ang aking orihinal na Certificate of Registration bilang isang pharmacist sa nakikitang bahagi ng lugar kung saan ako nagtatrabaho. Tama po ba ito?

Tim



Dear Tim,

Para sa inyong kaalaman, ang sagot sa inyong tanong ay tinatalakay sa Republic Act No. 10918 o mas kilalang Philippine Pharmacy Act. Nabanggit sa Section 29 ng nasabing batas na:

“Section 29. Display of Certificate of Registration. - It shall be the duty of every pharmacist engaged in the practice, whether in private or under the employ of another, to display the original copy of one’s COR in a prominent and conspicuous place in the drug establishment in which one is employed in a professional capacity as pharmacist. [...]” (Binigyang-diin)

Samakatuwid, malinaw na nabanggit sa nasabing probisyon ng batas na kinakailangan ninyong ipaskil ang inyong orihinal na kopya ng Certificate of Registration sa nakikitang bahagi ng lugar kung saan kayo nagtatrabaho bilang isang propesyonal na pharmacist.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page