Kailangan ng publiko ng maayos at malinaw na paliwanag sa COVID-19 vaccine
- BULGAR
- Jun 20, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 20, 2021
Lubos tayong nakikiramay sa mga naulila sa pagyao ng beteranong political operator na si Pareng Perry Callanta.
Full dose siya ng Sinovac.
Pero, na-COVID pa rin!
◘◘◘
ALAM ba ninyong maraming nabakunahan ng anti-COVID pero tinatamaan pa rin ng COVID?
Ilan dito ay binawian ng buhay, pero hindi nagbibigay ng opisyal na pahayag ang DOH at IATF!
◘◘◘
HINDI natin alam kung may kaugnayan sa COVID ang hindi ordinaryong bilang ng namamatay sa “cardiac arrest”.
Sana magsuri sa ganitong sitwasyon ang mga awtoridad para kaligtasan ng ordinaryong mamamayan!
◘◘◘
SA Indonesia, may ulat na maraming nagpa-Sinovac pero nagka-COVID pa rin.
Ilan dito ay frontliners at namatay dahil sa COVID!
◘◘◘
SA totoo lang, inaamin ng mga awtoridad na hindi “100 percent” ang ibinibigay na proteksiyon ng mga anti-COVID vaccine.
Kapos ang impormasyon inilalabas ng international media at mismo sa social media!
◘◘◘
SA pinakahuling ulat, natuklasang apektado ng COVID ang isang bahagi ng utak ng tao.
Ibig sabihin, matapos tamaan ng COVID, kahit gumaling na, may selyula sa utak ang napaparalisa.
Isang maselang isyu ito na dapat saliksiking mabuti!
◘◘◘
SA gitna ng side-effect ng COVID vaccine, ipinapayo pa rin ng mga eksperto na higit na makabubuti pa rin ng magkaroon ng bakuna laban.
Ang benepisyo ng bakuna ay higit sa epekto ng side-effects.
Ipagdasal nating totoo ‘yan.
Milyun-milyon na kasi ang nabakunahan!
◘◘◘
SA gitna ng mga hindi tiyak na datos, nauunawaan natin ang mga tao na tumatangging magpabakuna.
‘Yan ay dahil sa maraming naturukan ng anti-COVID vaccine pero tinamaan pa rin—at ilan dito ay namatay!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKANG itinago ng mga awtoridad at bigo ang media na ilabas ang mga ulat na may kaugnayan sa isyung ito.
Ang isyu ay heto—maraming nagkakaroon ng first dose, pero aktuwal na tinamaan pa rin ng COVID.
Hindi ‘yan inilalabas sa media!
◘◘◘
HINDI dapat ilihim ang isyu tungkol sa COVID dahil magbubunga ito ng dispalinghadong interpretasyon kapag ikinalat ng mga tsismoso at tsismosa.
Sa anumang krisis o problema, pinakamahalaga ay malaman ng ordinaryong mamamayan — ang aktuwal na nagaganap!
◘◘◘
MULA sa aktuwal na katotohanan ng datos, d’yan magdedesisyon nang malaya ang taumbayan kung magpapabakuna o hindi.
Hawak ng tao ang sarili niyang buhay, siya lang ang may karapatang magdesisyon tungkol sa sitwasyon ng kanyang pisikal na katawan!
◘◘◘
LAHAT naman ay yayao at walang maiiwanang buhay.
At ang desisyon sa sariling sitwasyon ay dapat manatiling hawak ng indibidwal.
‘Yan ay likas na karapatang ng bawat nilalang!





Comments