top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kailangan ng kasulatan kapag ang donasyon ay nagkakahalaga ng mahigit P5-K

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 15, 2021



Dear Chief Acosta,


Mayroong ibinigay na sasakyan sa akin ang tiyuhin ko na matandang binata. Nang kukuhanin ko na ito sa kanyang bahay, sinabi sa akin ng kanyang sekretarya na kinakailangan ko diumano munang tanggapin ito sa tamang paraan bago ito mapasaakin. Paano ko ba ‘yun gagawin? – Cynthia


Dear Cynthia,


Para sa inyong kaalaman, ang Article 748 ng New Civil Code ang probisyon ng batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Sa probisyong ito, isinasaad ang mga nararapat na gawin upang tanggapin ang donasyon ng movable o personal property, viz:


“Article 748. The donation of a movable may be made orally or in writing. An oral donation requires the simultaneous delivery of the thing or of the document representing the right donated. If the value of the personal property donated exceeds five thousand pesos, the donation and the acceptance shall be made in writing. Otherwise, the donation shall be void.(Binigyang-diin)

Ayon sa nabanggit na probisyon, ang donasyon ng movable property ay maaaring sa pamamagitan lamang ng usapan o ng kasulatan. Kung sa pamamagitan lamang ng usapan ang donasyon, kinakailangang magkasabay ang nasabing donasyon at ang pagbibigay nito sa donee. Kung sakali namang ang bagay na ido-donate ay nagkakahalaga ng higit pa sa P5, 000, kinakailangang nasa kasulatan ang pagtanggap sa donasyong ito. Ang hindi pagsunod sa pangangailangang ito ay magreresulta sa pagkawalambisa ng nasabing donasyon.


Article 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.”

Bukod pa rito, nakasaad naman sa Article 746 na ang pagtanggap ng donasyon ay kinakailangang gawin habang nabubuhay pa ang nagbigay at ang pinagbigyan nito, viz:


“Article 746. Acceptance must be made during the lifetime of the donor and of the donee.”

Sa inyong sitwasyon, kinakailangang idaan ninyo sa kasulatan ang pagtanggap ng ibinigay sa inyong sasakyan sapagkat higit sa P5, 000 ang halaga nito. Gayundin, kinakailangan magawa ninyo ang pangangailangang ito habambuhay pa ang inyong tiyuhin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page