Kailangan ba ng permiso ng bata bago siya ampunin?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 13, 2022
Dear Chief Acosta,
Nais kong ampunin ang aking pamangkin na 11 taong gulang pa lamang ay nawalan na ng mga magulang. Kailangan ko ba ang kanyang permiso bago simulan ang proseso ng pag-aampon sa kanya? - Lea
Dear Lea,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 23 (a) ng Republic Act (R.A.) No. 116421 o mas kilala sa tawag na “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act”, kung saan nakasaad na:
“Section 23. Whose Consent is Necessary to the Adoption. – After being properly counseled and informed of the right to give or withhold approval of the adoption, the written consent of the following to the adoption are hereby required:
1. The adoptee, if ten (10) years of age or over x x x
Section 24. Documentary Requirements. – The PAPs shall attach the following to the Petition for Adoption and shall submit the same to the RACCO: x x x
(e) Written consent to the adoption by the biological parent(s) or the person(s) exercising substitute parental authority over the child and the written consent of the child if at least ten (10) years old, signed in the presence of an adoption social worker of the NACC or child-caring agency, or of the child-placing agency for cases where the child is from a foster home, after proper counseling as prescribed in this Act;” (Binigyang-diin)
Samakatuwid, malinaw ang polisiya ng batas na kailangan ng nakasulat na permiso o consent mula sa bata bago siya maampon kung siya ay sampung taong gulang na o higit pa. Ang nasabing nakasulat na pagpayag ng bata ay dapat pirmahan sa harap ng social worker matapos kausapin at payuhan ang bata at dapat itong ilakip sa petisyon. Ibig sabihin, dapat mo munang hingin ang permiso o consent ng iyong pamangkin bago mo simulan ang proseso ng pag-ampon sa kanya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments