Kailan napapaso ang kasong Slight Physical Injuries?
- BULGAR
- May 17, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 17, 2023
Dear Chief Acosta,
Noong nakaraang taon, nagkaroon kami ng komprontasyon ng dating kinakasama ng nobyo ko. Nauwi ito sa sabunutan at pisikal na pananakit na nagdulot sa akin ng mga galos at sugat, ngunit nakapasok pa rin ako sa trabaho matapos ang insidente.
Nagkataon na noong panahong ‘yun ay hinihintay ko na lang ang deployment ko sa barko bilang kitchen staff, kaya humingi na lamang ako ng sertipikasyon mula sa medico-legal kung sakaling kailanganin ko ito. Ako ay nakaalis nang hindi nakapagsampa ng reklamo, ngayon ay kakababa ko lamang sa barko at nais kong ipursigi ang pagsasampa. Sabi ng kakilala kong nagtatrabaho sa hukuman, hindi na ako makakapagsampa ng reklamong slight physical injuries dahil paso na umano ito.
May batas ba talaga ukol dito? –Gena
Dear Gena,
Ang krimen na Slight Physical Injuries ay binibigyang-kahulugan sa ilalim ng Artikulo 266 ng ating Revised Penal Code, na naamyendahan ng Section 61 ng Republic Act No. 10951, kabilang na ang parusa rito. Ayon sa nasabing batas:
“Art. 266. Slight physical injuries and maltreatment. — The crime of slight physical injuries shall be punished:
By arresto mayor when the offender has inflicted physical injuries which shall incapacitate the offended party for labor from one (1) days to nine (9) days, or shall require medical attendance during the same period.
By arresto menor or a fine not exceeding Forty thousand pesos (₱40,000) and censure when the offender has caused physical injuries which do not prevent the offended party from engaging in his habitual work nor require medical assistance.
By arresto menor in its minimum period or a fine not exceeding Five thousand pesos (₱5,000) when the offender shallill-treat another by deed without causing any injury.”
Alinsunod naman sa Artikulo 90 ng ating Revised Penal Code, ang mga krimen na mayroong parusa na arresto mayor at arresto menor ay napapaso sa loob ng mga su








Comments