Kaibigan daw ng nanay niya… ALDEN, PASIKRETONG PINADADALHAN NG PERA SI NORA NU’NG BUHAY PA
- BULGAR
- May 2
- 3 min read
Updated: May 3
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 2, 2025
Photo: Alden Richards - IG
Nang pumanaw ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor, lumutang ang maraming pangalan ng personalidad na tumulong sa usaping-pinansiyal.
Bukod kay Pangulong BBM at sa PCSO, nabanggit din at pinasalamatan ni Lotlot de Leon sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go, Imelda Papin, Chavit Singson, Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Meron ding mga non-showbiz friends na dumamay at iba’t ibang fans club ni Aunor.
Pero lingid sa kaalaman ng marami, isa si Alden Richards sa mga nagbigay din ng tulong-pinansiyal noong nabubuhay pa ang Superstar. Inilihim niya ito sa publiko dahil gusto niya ng tahimik lang na pagtulong.
Ayon kay Alden Richards, bata pa siya ay kilala na niya si Nora Aunor. Naging magkaibigan daw si Guy at ang kanyang ina na si Rosario Reyes (SLN). Madalas daw siyang isinasama noon ng kanyang ina kapag dumadalaw kay Aunor sa bahay nito, kaya nakita ni Alden kung gaano kabait at ka-humble ang Superstar.
Nasubaybayan din ni Alden ang naging takbo ng buhay ni La Aunor. Kaya nang mabalitaan niya na may pangangailangan itong pinansiyal, sikreto niya itong pinadalhan.
Naaalala raw ni Alden ang yumao niyang ina kapag nakikita niya ang Superstar.
MARAMI ang interesado at nag-aabang sa remake ng Marimar na naging daan upang sumikat si Marian Rivera na ang kapareha ay si Dingdong Dantes. Kaya naman gustong iparating ng grupo ng mga tagahanga nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa GMA executives na i-remake ang Marimar.
Bagay daw sa KathDen ang character na kanilang gagampanan, lalung-lalo na si Alden Richards bilang si Sergio.
At si Kathryn, kahit na morena ang kutis ay may hubog naman ang katawan.
Let’s see kung magpo-prosper ang project para sa tambalang KathDen.
Magiging abala ang schedule ngayon ni Alden dahil may bago siyang show sa GMA-7, ang Stars On The Floor (SOTF). Si Alden ang host at judges naman sina Marian Rivera, Pokwang at ang choreographer ng SB19.
MUKHANG si Michael Sager ang susunod na ibi-build-up nang husto ng GMA Network.
Malaki ang potensiyal upang sumikat siya nang husto dahil matinee idol ang porma niya.
Dati nang naging leading man ni Jillian Ward si Michael Sager bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya.
Nag-click ang collab/tandem nila ni Emilio Daez na younger brother ni Mikael Daez sa PBB Celebrity Collab Edition.
Nabigyan ngayon ng break si Michael Sager upang maging host sa Unang Hirit (UH). Dito ay marami siyang matututunan, lalo na sa pagho-host.
Samantala, maraming mga fans ni Emilio Daez ang umaapela sa GMA-7 na kunin na rin nila ito at i-build-up. Talented naman ito at mahilig ding umarte. Wish din ng mga fans, pagsamahin sa isang show sina Michael Sager at Emilio Daez.
MAY bagong pinagkakaabalahan ngayon ang aktor na si Mark Herras. Nang naputol ang pagsama-sama niya sa singer-businessman na si Jojo Mendrez, dumating ang mga oportunidad para siya kumita at makawala sa anino ng singer.
Bukod sa pag-eendorso ng isang brand ng clothing line ay inalok din siya ng Ang Probinsyano Partylist upang tumulong sa pag-iikot para mangampanya. Kasama niya rito sina Jason Abalos at JC de Vera.
Naniniwala sina Mark, Jason at JC sa adbokasiya na isinusulong ng Ang Probinsyano Partylist at ni Cong. Alfred Delos Santos.
Sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon at Visayas sumasama sina Mark, Jason at JC. Si Mark, pinagkaguluhan nang mag-ikot sa lalawigan ng Siquijor kamakailan.
slot toto
slot gacor
slot demo
slot online jackpot
toto togel
togel online
situs toto gacor
slot gacor auto wd
slot88
bacansports
slot777
apk slot gacor 777
situs parlay indonesia
bacan4d
slot88 apk
slot gacor deposit 10k
slot gacor gampang menang
slot toto aplikasi demo slot
liga link alternatif slot gacor