Kahit walang show sa network… HEART, IMPORTANT STAR PA RIN NG GMA-7
- BULGAR
- Jul 25, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 25, 2023

Ang ganda-ganda at napakasosyal ng dating ni Heart Evangelista sa ginanap na GMA Gala 2023.
Kaya naman, siya ang itinanghal na “Female Sparkle Star of the Night” ng nasabing event.
Agaw-pansin din ang kakaibang design ng gown ni Heart na bumagay sa kanya.
Sa kabila ng pagiging abala niya sa mga fashion events, itinuturing pa rin siya na bahagi ng GMA-7 at isa sa mga top artists ng Sparkle Center kahit walang mga regular shows sa naturang network.
Ramdam na ramdam naman ni Heart ang ibinibigay na importansiya sa kanya ng Kapuso Network dahil palagi pa rin siyang kabilang sa mga mahahalagang events ng nasabing network.
Marami rin siyang naging kaibigang mga Kapuso stars na hindi nagbabago ang pakikitungo sa kanya. Feeling blessed nga si Heart dahil bukod sa may showbiz career siya, happy din ang love life niya.
Tanggap din si Heart ng elitistang grupo ng mga fashion designers at mga international models. Secured na rin siya financially at may mga investments pa.





Comments