top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit walang prenup… JAMES, ‘DI NAGHABOL SA PERA NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 26, 2024





Dahil naging isyu ang diumano‘y prenup agreement sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque, may ilang netizens ang naalala ang panghihinayang noon ni Kris Aquino na humingi ng prenup sa tatay ng bunsong si Bimby na si James Yap.


At that time, mahigit P2 billion ang net worth ni Kris. At dahil nagpakasal nga sila ni James, nu’ng mag-file sila ng annulment, dapat ay paghahatian nila ang kanilang yaman dahil conjugal property ‘yun since wala ngang hininging prenup agreement si Kris kay James.


Pero dahil hindi naman mapagsamantala ang basketbolistang tatay ni Bimby, balitang nasa P40 million lang daw ang share na nakuha nito.


Hindi na raw umapela pa si James Yap kung anuman ang ibinigay sa kanya na parte o share. After all, kumikita naman siya nang malaki sa kanyang pagiging basketball player.


Hindi na niya pinag-interesan ang kayamanan ni Kris.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page