top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit walang franchise... JUDAY, MARICEL AT KIM, 'DI PA RIN IIWAN ANG ABS-CBN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 23, 2022



Kaya bang panindigan nina Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Kim Chiu atbp. Kapamilya stars ang kanilang pananatili sa kanilang network kahit hindi na mapapanood sa TV ang mga programang kanilang gagawin?


Ilang beses nang nagbigay ng pahayag si Juday na wala siyang balak na kumabilang-bakod kahit nagsara na ang ABS-CBN. Mananatili siyang Kapamilya kahit na ano pa ang mangyari.


Ganito rin ang statement ng Diamond Star na si Maricel Soriano na ngayon ay may uumpisahang serye para sa Kapamilya Network. So far, masaya pa naman daw siya at naniniwalang makaka-survive pa rin ang mga shows na gagawin ng Kapamilya Network.


Maging ang Chinita Princess na si Kim Chiu ay walang planong lumipat sa ibang network! Alam niyang may plano ang Kapamilya para sa kanyang career. Gumagawa na sila ngayon ni Xian Lim ng movie.


Kampante at hindi nagpa-panic si Kim para sa kanyang career. Maging sina Piolo Pascual at Sam Milby ay loyalista rin ng ABS-CBN. Wala silang balak na lumipat sa ibang network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page