Kahit walang experience, basta mahaba ang hair… P40 K, TF NG DANCER SA SHOW NI WILLIE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 6, 2022

Forty thousand pesos ang alok ng choreographer na si Anna Feliciano para sa bagong papasok na dancer sa programa ni Willie Revillame na mapapanood muna sa FB live at YouTube channel ng Wowowin.
Base sa post ng choreographer ni Willie ay naghahanap sila ng mga bagong mukhang dancer na mapapanood sa programa na edad 17-23 lang at dapat ay mahaba ang buhok.
Nabanggit na kahit walang experience ay okay lang dahil tuturuan nila ito. Kaya sa mga papasok ay ibigay ang contact details nila sa FB page ni Anna.
At para makamenos ng gastusin ang mga dancers ay puwede silang stay-in sa Wil Tower.





Comments