Kahit walang bonggang party… IVANA, FEELING DEBUTANTE, ILANG BESES NAGPALIT NG GOWN SA B-DAY SHOOT
- BULGAR

- Dec 28, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 28, 2020

Kaarawan ng bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi noong Pasko, Dec. 25.
Wala siyang bonggang selebrasyon dahil sa covid pandemic. Sila-sila lang mag-anak ang magkakasama sa bahay. Ang mommy niya at dalawang kapatid ang kapiling niya noong mismong birthday niya.
Pero, sinorpresa siya ng mga ito dahil may 3 cakes na inihanda para sa kanya bukod pa sa mga paborito niyang pagkain. At may napakalaki at napakagandang bouquet of roses na regalo sa kanya.
Sobrang nagpasalamat si Ivana sa kanyang mommy at dalawang kapatid na nag-asikaso ng lahat upang maging memorable ang kanyang kaarawan.
Prior to her actual birthday noong Dec. 25, may ginawa si Ivana na birthday shoot para sa kanyang YouTube Channel. Nagmukha siyang debutante sa pictorial dahil ilang beses siyang nagpalit ng gown na gawa ng ilang Pinoy designer.
May sarili rin siyang stylist na nag-ayos at nag-make-up sa kanya. Magaling din ang photographer na kinuha para sa photo shoot.
Kahit paano, kahit walang magarbong birthday party, nagmistula namang debut ang ginawa ni Ivana sa kanyang birthday photo shoot.





Comments