top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kahit wala raw show sa Siyete, super rich pa rin…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2021
2 min read

HEART, IDINISPLEY ANG KUWINTAS NA WORTH P5.6 MILYON

ni Nitz Miralles - @Bida | January 20, 2021




Tutulungan ni Heart Evangelista si Rachelle, ang nai-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday na nahagip ng tren sa pagsagip sa kanyang pet dog.


Ipinost ni Heart sa Twitter ang tweet ng GMA News tungkol kay Rachel at nag-comment ng “God bless you Rachelle... help me find her” at sinundan pa ng “To all the dogs lovers out there... let’s show her some love... we would do the same.”


Humanga tiyak si Heart kay Rachelle dahil sa sinabi nito sa interview na hindi siya nagsisisi sa nangyari sa kanya, dahil ang kapalit noon ay nakaligtas ang aso niya.


Wish ni Rachelle, gumaling agad siya para makauwi at makapiling ang pet dog niyang si Buddy.


Kailangan talaga ng tulong ni Rachelle at ng kanyang pamilya dahil nadale ang pelvic niya at hindi makakalakad kundi maooperahan.


Sabi ng nanay nito, kailangan nila ng P70,000, eh, wala naman silang pera. Naka-confine sa ospital si Rachelle at matutuwa ito at ang kanyang pamilya dahil tutulungan siya ni Heart at baka may iba pang tumulong dahil nanawagan ang Kapuso actress.


So, 'wag na sanang gawing issue ng iba kung nag-post man si Heart ng kanyang Bulgari Serpenti Viper Necklace na sabi ng ilang netizens ay worth P5.6 million dahil 18 karat white gold ito na tadtad ng diamonds.


May mga comments kasing wala namang work si Heart nang ilang buwan sa GMA-7, paano pa raw siya nakakabili ng ganu'n kamahal na alahas, eh, pandemic pa naman?


Gumastos man nang mahal si Heart para sa sarili, at least, 'di siya nakakalimot na tumulong sa iba.


Anyway, lalo siyang nami-miss ng kanyang mga fans na mapanood na umaarte. Inaabangan na nila ang pagbibidahan niyang series na I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7 na wala pang follow-up update mula nang i-announce.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page