Kahit wala nang tulog… KATHRYN, TODO-KAYOD PARA SA PAMILYA
ni Julie Bonifacio @Winner | June 28, 2023

Umabot na sa 2.7 M ang views ng ipinost na picture ng ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa Twitter last Monday, June 26.
Nakatalikod si Kathryn sa kanyang ina, kaya’t kinunan niya ito ng ‘stolen picture’ habang nakaupo at tila nagbabasa.
Ipinost naman agad ni Mommy Min sa kanyang Twitter ang naturang picture ni Kathryn at mababasa sa caption na humihingi siya ng paumanhin sa anak.
Tweet ni Mommy Min, “Sorry, anak @bernardokath if ilang days ka nang puyat because of everyday work. I was not physically present there, pero binabantayan kita thru the regular reports of your PA… more than half na tayo, don’t worry. With the help of prayers, this movie will give a good outcome. #TwitterKATHback”
Tuluy-tuloy kasi ang shooting ng Kapamilya actress para sa movie niya na A Very Good Girl with internationally-acclaimed award-winning actress na si Dolly de Leon.
For sure, may play date na ang nasabing movie ni Kathryn kaya puspusan na rin ang shooting niya para matapos na ito agad.
Nagpakita naman ng suporta and encouragement ang mga fans ni Kathryn sa kanya sa Twitter.
“Laban lang, Kath. Dito lang kami lagi para sa ‘yo. :)”
“Palagi lang kaming nandito para suportahan ka!”
“We’re proud of you already, our hardworking girl.”
Nakakabilib talaga si Kathryn bilang isang anak. Never siyang nagkaroon ng isyu with her parents, especially kay Mommy Min.
Sa dami na ng naitulong ni Kathryn sa kanyang pamilya sa loob ng ilang taon niyang pagtatrabaho bilang artista, kahit minsan ay wala tayong nabalitaan na nagrebelde siya.
At kahit keri na niyang magsarili o even magpakasal na sa boyfriend niya for so many years na si Daniel Padilla, ‘di pa rin niya iniiwan ang kanyang pamilya.
Si Kathryn talaga ang matatawag mo na ‘role model’ sa mga kabataan. Kaya naman, patuloy siyang inuulan ng mga blessings sa kanyang showbiz career, sa business, pati na rin sa personal life niya.





Comments