top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit tungkol sa kabaklaan, Vice… HIRIT NG DIREKTOR: MOVIE NA IPINRODYUS NI JODI SA MMFF, 'DI BASURA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2020
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 16, 2020




Movie producer na rin pala ang magaling na aktres na si Jodi Sta. Maria. At para sa kanyang first venture, nakaka-proud na pasok agad ang ipinrodyus niyang pelikula titled The Boy Foretold By The Stars sa Metro Manila Film Festival 2020 entries.


Ang rom-com movie na ito ay actually a collaboration of three production outfits — The Dolly Collection, Brainstormers Lab and Clever Minds, Inc. na si Jodi nga ang executive producer.


Bida sa pelikula sina Adrian Lindayag as Dominic at Keann Johnson as Luke, mga estudyante sa exclusive school na maiinlab sa isa't isa.


The movie is written and directed by Dolly Dulu based on a play Ang Hangal na isinulat ni Direk Dolly nu'ng college pa siya.


Kuwento ni Direk Dolly, minsang nagkasama sila ni Jodi sa isang project, nagkakuwentuhan sila sa dressing room tungkol sa kani-kanilang dreams at nabanggit nga niya na pangarap niyang makagawa ng pelikula na siya ang sumulat at magdidirek.


Nang i-present ni Direk Dolly kay Jodi ang kuwento ng The Boy Foretold By The Stars, agad nagustuhan ng aktres at naniwala siyang maganda ang kuwento nito kaya nag-decide si Jodi na mag-co-produce.


At eto na nga, simula sa Dec. 25, isa ang The Boy Foretold By The Stars sa mga pelikulang mapapanood sa UPSTREAM.ph, ang online platform ng MMFF 2020.


Haping-hapi ang cast at production dahil as of this writing, may balitang No. 2 na sila sa ticket sales among the 10 MMFF entries. Marami palang kabataang audience ang ganitong tipo ng movie mula nang mauso ang BL (boys love) series sa online.


Sabi nga ni Direk Dolly, hindi man nila makuha ang mga straight guys as target audience, naniniwala silang magki-click pa rin sa manonood at kakagatin ang kuwento ng The Boy Foretold By The Stars na bagama't tungkol sa same-sex relationship, hindi raw ito 'yung mga tipo ng kabaklaan movie na puro sex lang.


Pramis ni Direk Dolly, ginawa niyang wholesome ang movie at Christian-centered, meaning may moral values na matututunan, kaya hindi masasabing basura lang ang pelikula tulad ng ibang gay movies.


Although depensa rin ni Direk Dolly, kahit pa sinasabing basura ang mga nakaraang MMFF movies ni Vice Ganda, hindi ganito ang tingin niya sa mga ginawa ni Meme Vice dahil naniniwala siyang may good vibes at entertainment na hatid ang mga pelikula ng Unkabogable Star.


Samantala, tinanong naman namin ang bida ng movie na si Adrian, na anak pala ni Direk Roderick Lindayag, kung handa na siyang buksan ang buhay niya sa publiko at mapag-usapan ang kanyang love life ngayong sumisikat na rin siyang artista at nagbibida na nga sa pelikula.


Aniya ay aware siya rito at tanggap niya ito dahil kahit mismong ang pamilya naman niya ay tanggap din kung ano siya at suportado siya sa lahat ng kanyang ginagawa.


Wala raw siyang love life ngayon although sa mga taga-showbiz, ang mga crushes daw niya ay sina Robi Domingo, Ryan Agoncillo at Drew Arellano.


Kung magkaka-BF daw si Adrian, gusto niya ay gay ding tulad niya at hindi straight at siya ang liligawan. O, devah, pa-girl?! Talbog!


Anyway, kasama rin sa movie at may importanteng role ang Cinema One Originals’ 2018 Best Actress via the movie Mamu: And A Mother Too na si Iyah Mina.

Minsan na raw naghiwalay… SYLVIA, AMINADONG TINANGGAP ANG MISTER KAHIT NAGLOKO



Balik-pelikula ang aktor at dating senador na si Jinggoy Estrada via Coming Home. Isa rin ang movie nila ni Ms. Sylvia Sanchez kasama sina Ariella Arida, Jake Ejercito, Shaira Diaz at Martin del Rosario sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival sa Dec. 25, 2020 na line produced by ALV Films and produced by Maverick Films.


Sa Zoom presscon para sa Coming Home, aminado si Sen. Jinggoy na 'pag naririnig ang title ng movie ay naaalala ang malulungkot nilang karanasan ng BFF niyang si Sen. Bong Revilla, Jr. nu'ng nasa Custodial Center pa sila sa Camp Crame, kung saan kapag September daw ay nalulungkot na sila kapag nakakarinig ng Christmas songs dahil lagi silang umaasang makakauwi na 'pag Pasko pero ilang taon pa nga ang lumipas bago sila nakalabas.


At dahil pampamilya ang istorya ng Coming Home, sabi nina Sen. Jinggoy at Ms. Ibyang, magandang panoorin ito ngayong Pasko lalo't marami tayong pinagdaraanan at dito natin maa-appreciate ang kahalagahan ng pamilya.


Sa kuwento ay masisira ang pamilya ng mga karakter nina Jinggoy at Sylvia dahil matutukso ang una sa karakter ni Ariella at magiging kabitsina ang huli, pero kung saan papasok ang pagpapatawad ang siyang dapat panoorin sa movie.


Tinanong namin si Sen. Jinggoy kung tulad ba ng kanyang role sa movie ay natukso na rin siya sa ibang babae in real life kahit may asawa na siya.


Play safe ang aktor-pulitiko, ayaw mag-confirm or mag-deny, basta ang sabi lang niya, maraming tukso sa showbiz na mahirap tanggihan.


Samantala, tinanong din namin si Ms. Ibyang kung in real life ba ay naranasan din niya ang role niya sa movie.


Hindi naman nagkaila ang mommy nina Arjo at Ria Atayde at inaming minsan na rin silang naghiwalay ng kanyang mister na si Art Atayde, pero dahil mahal niya talaga ito ay pinatawad niya at muling nabuo ang kanilang pamilya.


At dahil pampamilya nga ang pelikula, tiyak na maraming makaka-relate sa kuwento ng Coming Home na mapapanood na sa Dec. 25 sa UPSTREAM.ph.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page