top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit trying hard basta masabi… MARICEL, AMINADONG ‘DI MARUNONG MAG-INGLES

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 28, 2022




Deserved na deserved ni Diamond Star Maricel Soriano na matanggap on her birthday ang Silver Play Button award niya mula sa YouTube para sa kanyang channel dito.


More than 200K na ang subscribers ni Marya sa kanyang YouTube channel.


Sa true lang, pinapanood namin ang vlogs ni Marya sa YouTube at sobrang naaaliw kami dahil very authentic. ‘Ika nga, Maryang-Marya at walang pretensiyon.


Nandu’n ang kanyang katarayan, ka-sweet-an, linyahan at pag-amin na ‘di siya ganu’n kahusay sa pag-i-Ingles, pero naitatawid pa rin niya ang mga mensaheng nais niyang sabihin.


At habang pinapanood namin ang vlogs ni Marya, ‘di namin mapigilang maalala ang kaibigan at napakahusay na manunulat na si Arnel Ramos, a true-blooded, super solid and very loyal Maricelian!


Sayang nga at ‘di na niya mapapanood ang mga contents ni Marya sa YT. Maaga kasi siyang namaalam sa mundong ito. At ang nakakatuwa, todo rin ang suportang ibinigay ni Marya para kay Arnel during his last moments dito sa lupa.


Going back to Marya’s vlog, sa latest content niya for her YT channel, isang masayang birthday celebration ang kanyang in-upload. Ipinakita roon ang ilang gifts na natanggap niya mula sa fashion designer na si JC Buendia at manager niyang si Biboy Arboleda.


Kasunod nito ang malaking sorpresang regalo kay Marya mula sa YouTube.


Pagkatapos, si Marya naman ang “nagregalo” sa kanyang mga subscribers by answering their questions.


Of course, ‘di mawawala ang tanong kung ano ang kanyang birthday wish.


“Peace para sa buong mundo. Kasi marami ang nahirapan, nasaktan, nagulat, namulat, ‘di ba, dito sa COVID na nangyari sa atin? Kaya sana, magkaroon ng world peace,” sabi ni Marya.


True naman si Marya d’yan.


Someone asked her kung ano’ng feeling to be gorgeous at 57.


“Eh, di gorgeous! Ano pa ba? Hahaha!”


Pero nu’ng banggitin ng netizen na nagtanong sa kanya kung ano pa ang gusto niyang ma-achieve bago siya maging senior citizen, ‘kaaliw ang reaksiyon ni Marya.


“Eto naman, sinabi mo agad ang edad ko. Nakakainis ka! Ano ba ‘yan? Siyempre, marami pa.


Kung anuman ‘yun, eh, kung ano ‘yung darating at magustuhan ko, ‘yun ang gagawin ko,” diin niya.


Mariing “Of course!” naman ang sagot ni Marya sa tanong if she thinks women can be great leaders.


“Of course! Hindi mo masasabi ang kakayanan ng mga babae. Hindi mo puwedeng tawaran, hindi ba? Gusto kong malaman ng mga lalaki na kaya naming gawin ang kaya ninyong gawin. Kaya nga nagkaroon ng Kaya ni Mister, Kaya ni Misis, ‘di ba?


Ang Kaya ni Mister, Kaya ni Misis ay titulo ng dating sitcom nila ni Cesar Montano sa ABS-CBN.


Next question kay Marya, what was the first bashing she received and how did she overcome it.


“Wala. Bakit? Kasi hindi ako nagbabasa. Ayokong makipag-away sa isang tao na hindi ko naman kilala at hindi ko nakikita,” pahayag ni Marya.


Tumpak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page