Kahit todo-deny ang padir na si Jeric... CRISTY, 'DI BABAWIIN NA BUNTIS SI AJ
- BULGAR
- Aug 4, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 4, 2022

“Pinanghahawakan ko ang sinabi ng aking source at hindi magbabago ang aking sasabihin.
Natural, ama siya ni AJ (Raval), kailangang ipagtanggol dahil pamilya sila,” ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa pagde-deny ni Jeric Raval sa isyung buntis ang anak niya sa panayam nito kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.
Nakatsikahan namin ang batikang manunulat, Showbiz Now Na at Cristy Ferminute host sa Obra ni Nanay Gallery nitong Martes at sabi niya ay hindi na bago ang ganitong senaryo na itinatanggi ang pagbubuntis ng isang artista.
“Si Aubrey Miles nga, walong taon ang inabot saka inaming may anak siya at nag-sorry sa akin.
Noon, mega-tanggi pa talaga, may pa-tumbling-tumbling pa, para pruweba na hindi siya buntis.
“Pero hindi ako nagagalit kina AJ, kay Jeric, ah. Natural lang talaga na ipagtanggol ni Jeric ang anak niya, pero inamin niyang dalawang linggo na niyang hindi nakikita si AJ.
Gayunpaman, lagi ko namang sinasabi na may karapatang itanggi ni AJ, pero ako, kinakapitan ko ang sinabi ng source ko,” diin ni ‘Nay Cristy.
Hindi naman daw maitatago kung ano ang totoo at hintayin na lang pagkalipas ng siyam na buwan.
“Puwede mong kausapin ang mga doktor, puwedeng hindi sila magsalita. Eh, ang mga nars, ang janitor, ang mga magtatapon ng dugo pagkatapos manganak, hindi ba sila magkukuwento?”
katwiran pa sa amin ni Nanay Cristy.
Samantala, napanood namin ang taping para sa dalawang episodes ng Showbiz Now Na at talagang mapapaangat ang puwet mo sa mga blind items nina Nanay Cristy, Morly at Wendell Alvarez na pansamantalang humalili kay Romel Chika na maysakit ngayon.
Sobrang taklesa ni Wendell dahil nadulas siyang banggitin ang pangalan ng blind items nila.
Puputulin kaya ito ng direktor ng SNN?
Kaya halos malaglag na sa kinauupuan nila sina ‘Nay Cristy at Morly.
Ang masasabi lang namin ay lagot ka, Wendell, ha, ha, ha!





Comments