top of page
Search
  • BULGAR

Kahit tindera lang daw ang role… SHARON AT LORNA, OUT SA BAGONG SERYE NI COCO

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 8, 2023




May lumabas naman na tsika na type rin daw ng mga award-winning actresses na sina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino na makapag-guest din sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


Parehong naging bahagi ang mag-ate sa showbiz na sina Shawie at LT sa FPJ's Ang Probinsyano.


Pagbibiro pa ni Mega, papayag daw ito na maging tindera sa Quiapo makapag-guest lang, dahil napamahal na sa kanya si Coco, lalo na kay Julia Montes, sa maikling panahon ng pagsasama nila sa serye.


Maging si Lorna ay nagwi-wish din na muling makasama sa serye ng aktor at matagal-tagal din ang kanilang pinagsamahan, na nagsimula bilang guest, pero dahil sa mahusay na pagganap bilang kontrabida, umabot siya hanggang sa ending.


Well, sa ngayon ay hanggang wish na lang muna ito at malabo pang mangyari sa first season ng remake ng FPJ blockbuster film.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page