top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit tawagan pa raw siya… CARLA, 'DI PA RIN MASIKMURANG KAUSAPIN SI TOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 13, 2022



Komportable na ang Kapuso actress na si Carla Abellana na pag-usapan at sagutin ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.


Although wala pang detalye ng tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, at least, kahit papaano ay nailalabas na ni Carla ang kanyang nararamdaman sa naging relasyon nila ng dating mister na si Tom.


At sa podcast ni Nelson Canlas ng GMA Network, nasabi ni Carla na February, 2022 pa sila huling nagkita ni Tom. Mula noon ay hindi na sila nagkita at nagkausap pa.


Aminado rin si Carla na kung sakaling mag-attempt si Tom na siya ay tawagan at kausapin, hindi pa niya kakayanin. Masyado siyang nasaktan at may pain pa rin siyang nararamdaman sa kanyang puso.


Tungkol naman sa naging pahayag noon ni Tom na considered divorced na sila ni Carla dahil US citizen siya, hindi pa raw mag-sink in kay Carla na divorced na sila ng mister. Iba pa rin daw kung 'yung kasal nila rito sa 'Pinas ang mapapawalang-bisa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page