top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit taun-taon ang pagdating ng bagyo, pamahalaan parang ‘di pa rin natututo, kainis!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2020
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 04, 2020



Binigyang-diin ng Bagyong Rolly ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming media at ang vacuum na iniwan ng pagkawala ng ABS-CBN.

Kasabay ng pagkawala ng ABS-CBN, ang network na may pinakamalawak na bandwidth at reach sa bansa, nagkaroon ng pagkukulang sa pagkukunan ng mga kababayan natin ng ora-oradang update tungkol sa bagyo.

Naging malaking dagok sa disaster response ang pagkawala ng mga regional radio and tv stations ng ABS-CBN. Hindi nagawang punan ng iba pang network, kasama ng mga government stations, ang pangangailangan sa balita at marami sa mga kababayan natin ang napilitang umasa sa social media dahil hindi sapat ang kakayanang makapag-hatid ng balita ng mga natirang stations.

Kailangang magsilbing leksiyon ito sa pamahalaan sa tunay na halaga ng media bilang partner sa pagsiguro sa kapakanan ng ating mga kababayan. Buhay at ari-arian ang maaaring mawala dahil sa kawalan ng balita.

☻☻☻

Taun-taon nating hinaharap ang mga bagyo, ngunit mahalagang tanungin kung natututo ba tayo sa mga aral ng nakaraan upang maging handa ang ating mga pamayanan at mabawasan ang epekto ng mga bagyo at iba pang sakuna.

Kinu-komplika ng kasalukuyang COVID-19 pandemic ang taon-taon nating hamon.

O, maaari ring tingnan na dahil sa banta ng pagkahawa sa impeksiyon ng COVID-19, napilitan ang marami sa pamahalaan na isaisip ang halaga na mabigyan ng sapat na espasyo ang mga evacuation center natin para hindi de-humanizing ang conditions na hinaharap ng mga kababayan nating nasalanta.

☻☻☻

Dahil sa taun-taong hinaharap at pinagdurusahan ng ating mga kababayan dahil sa mga bagyo, muling lumalagablab ang isyu ng pagkakaroon ng departamento ng pamahalaan na nakatutok lamang sa disaster risk reduction at management.

Ang ilan sa mga kapwa natin mambabatas ay nag-aalangan na lumikha pa ng bagong department dahil sa argumentong masyado nang malaki o “bloated” ang pamahalaan.

Hindi rin bababa sa P1.5 bilyon ang inaasahang gastos ng pamahalaan kung itutuloy ang paglikha ng Department of Disaster Resilience—malaking halaga na para sa mga praktikal ay mas makakatulong kung ilalaan na lamang sa pagsasaayos ng mga umiiral nang mekanismo at sistema.

☻☻☻

Inaasahan nating lalo pang iinit ang isyu ng Department of Disaster Resilience at tatalakayin ito sa Senado.

Anuman ang maging desisyon ng collegial body ng Kongreso, kailangang mabigyang-diin ang pinaka-buod ng usaping ito—ang pagkakaroon ng overall coherent and actionable strategy sa climate change adaptation at disaster risk response.

Ano ang limit natin bago magpasya na kailangang repasuhin ang ating mga polisiya at kailangang umaksiyon na?

Para sa atin, matagal nang lumipas ang limit na iyon. Hindi na tayo dapat magpatumpik-tumpik pa dahil buhay at kabuhayan ang nakapusta.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page