top of page
Search
  • BULGAR

Kahit tanggap na ng fans para kay Kathryn… ALDEN, AYAW SAMANTALAHIN ANG HIWALAYANG KATHNIEL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 7, 2023



Maraming fans ni Kathryn Bernardo ang nagsasabing mas bagay si Alden Richards sa kanilang idolo. Kaya naman, nagre-request sila na sana ay muling pagtambalin sina Kathryn at Alden at gawan ng part 2 ang blockbuster movie nilang Hello, Love, Goodbye.


Well, at this point of Kathryn's career, wala nang ibang aktor na babagay sa kanya kundi si Alden Richards. Besides, malakas ang suporta ng mga fans sa KathDen (Kathryn-Alden) bilang kapalit ng KathNiel love team.


Sa ginanap na mediacon ng pelikulang Family of Two (A Mother & Son Story), nahingan si Alden Richards ng opinyon tungkol sa posibilidad na muli silang magtambal ni Kathryn. Hindi muna siya gaanong nagbigay ng saloobin. Ayaw ni Alden na samantalahin ang paghihiwalay ng KathNiel.


At kung anuman daw ang puwedeng mangyari in the future, kapag itinakda, mangyayari 'yun sa tamang panahon.


So, abangers na lang muna ang lahat. Magiging super busy si Alden Richards sa pagpasok ng 2024. May three movies siyang gagawin, puwera pa ang pelikula na co-producer niya ang Viva Films. Si Alden ang bida, direktor at co-producer!


Panibagong hamon ito na kanyang haharapin. Malaki ang expectation ng marami kay Alden Richards. May pressure ito on his part. At malaking challenge na kanyang haharapin.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page