Kahit taken na ang actor… BF NI BEA, TYPE NG CEO NG AESTHETICS CLINIC
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 26, 2023

Biniro namin ang CEO at owner ng MORPH Aesthetics na si Ma. Cristina Doble kung nagkaroon siya ng pangarap na pasukin ang showbiz noong bata-bata pa siya at tumawa siya sabay sabing, “Oo, puwede pa ba?”
Alam naming sinakyan lang niya ang biro namin dahil kinakabahan daw siya sa mga itatanong namin dahil nga sa dami ng nagtayo ng beauty clinics ngayon at tinawag na CEO, ang tanong ay "Magko-concert ka ba?"
Naging running joke na kasi ito among CEO dahil nga nagkaroon ng malaking show sa Araneta ‘yung isang may-ari ng beauty products.
Anyway, nurse by profession si Ms. Cristina kaya may kaalaman siya sa itinayo niyang MORPH Aesthetics, lalo’t marami siyang partners na doctors.
“Before, ang challenge siguro ay magpakilala (clinic) at ngayong kilala na, ang challenges naman ay sobrang dami na ang nagtatayo ng ganitong klase ng business, so, what we do is ‘yung client experience talaga na doon kami talaga nagpo-focus para happy sila at bumalik ulit,” pahayag ni Ms. Cristina.
Sa kasalukuyan ay wala pang celebrity endorser ang MORPH Aesthetics.
“Soon magkakaroon din, we’ll see kung sinong celebrity na puwedeng i-endorse kami kasi halos lahat, meron na yata, eh. Pag-iisipan namin.”
Ang celebrity crush ni Ms. Cristina, “Si Dominic Roque, ang cute nu’n.”
Hirit namin na may Bea Alonzo na ito, baka meron namang hindi pa taken.
“Ay, meron, si ano, David Licauco, pero bata pa siya.”
At sa female celebrities ay, “Sina Nadine (Lustre) at Sarah (Geronimo)."
Samantala, special guests ng MORPH Aesthetics ang mga Ms. Earth Philippines 2023 candidates na sina Yllana Aduana ng Siniloan, Laguna; Cea De Jesus ng Taguig City; Naoimi Henave ng Dasmarinas, Cavite; Lasil Relevo ng Balayan, Batangas; at Kerri Reilly ng Mangatarem, Pangasinan.





Comments