- BULGAR
Kahit super-rich na… BEA, INSECURE DAHIL 'DI COLLEGE GRADUATE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 22, 2022

Kahit sikat na sikat na siyang aktres, top product endorser at nakapagpundar na ng maraming properties, may malaking frustration pa rin sa buhay si Bea Alonzo.
Nakakaramdam pa rin siya ng insecurity at feeling niya ay may kulang pa sa kanyang naabot na tagumpay. Gusto niyang makapag-aral at magkaroon ng college degree.
Hindi ito nagawa ni Bea noon dahil naging abala siya sa kanyang showbiz career at inuna ang kapakanan ng kanyang pamilya.
Si Bea ang breadwinner at naging prayoridad na bigyan ng maginhawang buhay ang kanyang ina at kapatid. Kaya naman, nang makamit na niya ang kanyang pinapangarap na buhay para sa kanyang loved ones, naisip naman niyang ituloy ang kanyang naudlot na planong makapagtapos ng pag-aaral.
At kahit abala pa rin ngayon sa kanyang showbiz commitments, sisikapin ni Bea Alonzo na ituloy ang kanyang pangarap na magtapos ng college degree.
'Yun na lang ang kaganapan na kukumpleto sa kanyang buhay.