top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahit super in love sa BF… BEA, NEVER PAKAKASALAN NI DOMINIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2022
4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | December 30, 2022




Ang tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto ay dinayo pa ni Romel Chika sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakailan para tanungin tungkol sa kapalaran ng mga kilalang personalidad ngayong papasok na taong 2023.


Naisulat na namin dito sa BULGAR ang nabasa sa kapalaran nina Heart Evangelista at Alden Richards para sa 2023.


Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Romel na in-upload niya sa kanyang YouTube channel na Romel Chika Network ay ang tungkol kay Vhong Navarro at mga kilalang magkaka-love team naman ang tinalakay.


Ipinanganak si Vhong noong Enero 4, 1977 at ang pahayag ni Mamu, base sa mga barahang inilatag niya, “Maliwanag ang cards, masasabi ko na itong babae na ito, kalaban niya na gusto niyang makamit ang hustisya para sa kanya, dito sa cards na ito, maaabsuwelto siya (Vhong) sa kaso na ‘yun.


“Kaya lang, mag-iingat din siya (Vhong) kasi puwede siyang daanin sa ibang laban and mas maraming blessings na darating sa kanya ngayon.


“And lumabas nga ulit sa cards (naglatag ulit) na pinag-iingat siya or ‘wag na siyang papasok sa isa pang trap," na sinundan ni Romel ng hirit na "Condominium."


“Sa isang trap o isang pain o patibong kasi baka ito na ang ikasawi niya nang tuluyan. Kung ‘yung kaso niya ang gusto ninyong malaman, maaabsuwelto siya. Kumbaga, matatapos na and ‘yung career niya, magiging maayos naman din, though medyo tight siya ngayon sa budget.


“Basta mag-iingat siya kasi may mga kalaban siyang hindi niya alam, parang kumikilos behind du’n,” mahabang sabi ni Mamu base sa interpretasyon niya sa barahang nabasa niya.


Isa sa mga love teams na itinanong ni Romel ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


“Ay, magdyowa in real life (unang lapag pa lang ng card), puwede silang maghiwalay,” kaswal na sabi ni Mamu.


Ikinagulat ito ni Romel, “Bakit daw?”


“Family nu’ng lalaki, ayaw nila kay Bea,” sambit ulit.


“Ha? Sila pa ‘yung may ayaw kay Bea?” nagtatakang tanong pa ni Romel.


Umoo si Mamu, “Nakikita ko rito is pera (dahilan), baka mas mapera si Bea sa kanila, baka feeling nu’ng family (ni Dom), ia-under. Pero nakikita ko namang mahal na mahal ni Bea si Dominic.”


Pero sa tanong kung ganu’n din ba ang pagmamahal ni Dominic kay Bea, “Puwede rin, pero mas lamang si Bea.”


Hindi raw mauuwi sa kasalan ang relasyong Bea-Dominic.


Naitanong din kung tuloy na ang nababalitang kasalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa 2023.


“Hindi pa," ani Mamu habang nakatingin sa mga baraha. "Parang hindi pa rin handa ‘yung lalaki dahil marami pa siyang gustong gawin."


"At si Kathryn," sabay baba ulit ng baraha, “I think gusto na nito. Gusto na niyang bumuo ng family, eh. Matagal na rin naman sila, eh. Magiging sila (sa huli) pero wala pang kasalang mangyayari. Pero puwede ito, engaged next year (base sa inilatag uling baraha).”


May relasyon na ba sina Donny Pangilinan at Belle Mariano?


“Sa cards, ang sagot, oo,” positibong sagot ni Mamu Gloria sabay sabing, “Parang ano lang ‘to, discreet lang, ayaw nila ng publicity kasi magulo. So, kung anuman ang mayroon sila, sa kanila na lang ‘yun pero magiging masuwerte pa ‘tong love team na ito. Maraming oportunidad na kakatok pa sa kanila.”


Hindi rin nalimutang itanong sina AJ Raval at Aljur Abrenica na hindi raw talaga aamin (sa relasyon).


Nanganak na ba si AJ?


“Sa cards, oo. Babae. I think hindi (aaminin) kasi sa cards na ito, lumabas kaagad ang death, eh!


So, puwedeng ang relasyon nila ay hindi pangmatagalan, puwede silang maghiwalay though kahit may connection, pero tahimik sila, huh?” say ni Mamu.


“Totoo, hindi nga sila nagsasalita. Walang umaamin kahit ano'ng mga balitang naglalabasan.


Walang umaamin, deny lang nang deny na siya ay nanganak,” saad ni Romel.


Habang naglalatag pa ng ibang baraha si Mamu Gloria ay nasambit niyang, “Bubuwelta ‘to!”

na ikinagulat ni Romel.


“Kung merong makapagpalabas ng ebidensiya (na may anak sila) ay puwede nilang buweltahan! Siyempre, magagalit sila! Hindi sila magkasama sa bahay, nagkikita lang,” paliwanag ni Mamu.


Samantala, natanong din ang tungkol sa mga TV networks tulad ng ABS-CBN, GMA-7, TV5 at ang AllTV.


Inunang sagutin ang GMA-7, “Hayan ang wheel of fortune (baraha). Magiging bongga ang Channel 7 lalo na next year, sa mga susunod na taon. Maraming mababawi kung sila man ay nalugi nu’ng nakaraan, mababawi lahat. Maraming proyekto, maraming artistang darating.”


Kumusta ang ABS-CBN?


“Inilalaban, masasabi ko na isang araw, babalik sila. Sa cards, medyo malapit na (pagbabalik) puwede sa huling buwan next year (2023).”


Hirit ni Romel, “Eh, ang mga artista nila, wala na. Ilan na lang ang mga artistang natitira?”


“Marami pa silang papasok Maraming mga bagong magbibigay-buhay. Makaka-recover, magiging masaya, hahatak ng maraming pera. Positive cards pa rin ‘yung huli (latag),” say ni Mamu.


Tungkol naman sa TV5, “Okay lang naman ang TV5, lumalaban din though hindi lang siguro nakaka-jackpot pa or hindi pa panahon talaga para maging bonggang-bongga. Pero darating ito, puwedeng apat hanggang limang taon simula ngayon.”


Ano naman ang future ng AllTV, “Kung magbu-boom? Sa una lang, tapos wala na! Hindi magbu-boom nang ganu’n. Aabutin naman ng taon, kaya lang, hindi magiging katulad ng Channel 7 at sa ratings, magiging pang-apat. Siguro dahil nag-uumpisa pa lang pero matatapos din pero lalaban siya (AllTV).”


Anyway, ang lahat ng mga hulang ito ay gabay lamang base sa paulit-ulit na sabi ni Mamu.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page