top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit suki ang KathNiel, DonBelle, etc… MGA ARTISTA, 'DI NAKATULONG SA TICKET SALES NG FIBA GAMES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 4, 2023



Meanwhile, kahit pala namigay ng mga libreng tickets sa ilang kilalang celebrities at mga social media influencers ang Gilas Pilipinas management, hindi pa rin ito naka-boost sa ticket sales, much more sa kampanyang mapuno ang mga venues.


Hindi lang nga para sumuporta sa Gilas ang mga celebrities na ito kundi para maging mga tourist sports ambassadors sila by being present kahit sa mga laban ng bawat bansang nandito sa Pilipinas for their bracket assignments.


At dahil natapos na ang kampanya ng Gilas sa parehong bracket at classification rounds with Philippines posting a victory against China, masaya na rin naman ang sambayanang basketball community.


Ang madalas nating nakikitang rooting tirelessly for Gilas bukod sa mga kapamilya ng mga manlalaro natin ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Carlo Aquino, Charlie Dizon, Karla Estrada, at iba pang mga celebrities sa mundo ng socmed at pulitika.


Sa FIBA nga naging favorite superstar ang mga names nina Dwight Ramos, Rhenz Abando, RR Pogoy, Kai Sotto bukod pa sa mga big named na sina Jordan Clarkson, June Mar Fajardo, et al..


At kahit naligwak na nga tayo kasama na ang pag-asang makasali tayo sa 2024 Olympics, nasaksihan naman ng mga Pinoy ang klase ng mga players na tunay namang ibinuhos ang lakas, talino, galing at puso sa paborito pa ring sport ng mga Pinoy.


At mukha ngang swan song na sa FIBA ng kontrobersiyal na coach na si Chot Reyes ang huling laban natin kontra China dahil tunay namang nagawa na niya ang mga dapat at gaya ng sinabi niya, "Pumalya/pumalpak nga lang. We did not deliver what is being expected of us."


Mabuhay pa rin ang GILAS team at good luck sa ASIAN games. Sana nga lang, magpatuloy pa rin ang mga celebrities sa pag-root sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page