Kahit solo flight, Paulo… KIM, SUPER ENJOY MAMASYAL SA LONDON
- BULGAR

- Aug 31
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 31, 2025

Photo: Kim Chiu sa London - IG
Halata sa larawan na super-enjoy si Kim Chiu sa pamamasyal niya sa mga magagandang tanawin sa London, United Kingdom.
Sey ni Kim, “Living my full tourist life here in London. Of course, I had to tick off the mandatory shots - red telephone booth, the iconic London Eye, and a ride on the Underground. Classic London moments that make the trip extra memorable.”
Sa dami ng pinuntahan ni Kim, sure si yours truly na pagoda (as in tired) na siya, kaya kantahan na lang natin siya ng old song na… “London Bridge is falling down, falling down, falling down.
London Bridge is falling down, my fair lady.”
Pak, ganern!
MAKATOTOHANAN ang ibinahagi ng TV host na si Vice Ganda sa kanyang Instagram (IG) Story. Makikita sa video clip na ibinahagi ni Vice ang mga pagkain na iniluto nila sa loob ng kanilang tinutuluyan na Airbnb sa London.
Kasalukuyang nasa London si Vice para sa ASAP in England concert na ginanap sa BP Pulse Arena nitong nakaraang August 30, 2025.
Sey ni Vice sa kanyang IG story, “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal. Kaya namalengke na lang kami nu’ng first day at nagluto dito sa Airbnb.
“Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo.”
Mga bagets, siguro naman ay may natutunan kayo sa ibinahagi ni Vice. Ang moral of the story, kahit ano’ng yaman ng tao, dapat marunong magtipid.
Well, may katwiran ang katwiran.
Pak na pak ka d’yan, Vice Ganda!
MAPAPA-SANA ALL ka na lang talaga kapag nakita mo ang tulad ng comedian-actor na si Ogie Diaz at ang kanyang daughter.
Nagpahayag ng pagbati si Ogie sa kanyang panganay na anak na si Erin sa pamamagitan ng social media post.
Sey ni Ogie, “Gusto ko lang magpasalamat sa anak ko, dahil hindi n’ya isinuot ‘yung mamahaling damit dito sa mga pics, hindi rin n’ya ginamit ang mamahaling bag at sapatos, dahil mahirap na. Baka ma-lifestyle check s’ya at mapagkamalan s’yang nepo baby.
“Or else, alam na, ‘di na naman mako-control ang flood ng mga bashers. Hahaha!
“Actually, madami pa ‘kong sinasabi, eh. Gusto ko lang namang batiin ang aking panganay na anak ng ‘Happy 24th birthday, Erin!’
“S’ya ang una sa limang batang naging pruweba na kaya ko palang maging isang ama. S’ya rin ang batang ‘pag bina-bash ay unbothered. Nu’ng i-suggest ko na i-block na lang n’ya, ang sabi ba naman sa akin, ‘‘Wag, Daddy. Hayaan mo sila. Engagement din ‘yan. Sayang.’ So minaynd set lang ako ng anak ko. Hahaha!
“Basta mahal ka ng daddy, anak. Always remember na nakasuporta lang ako sa lahat ng mga pangarap mo sa buhay.
“Anyway, bagay sa ‘yo ang black dress sa pictorial mong ito ng Envi Skin Beauty & Wellness. Grabe, buti na lang, nagkasya sa ‘yo ang pinagliitan kong black sexy dress.”
Uwian na, may nanalo na, walang iba kundi ang loving daughter ni Ogie na si Erin sa pagkakaroon ng tatay na tulad niya.
Happy birthday, Erin! You are lucky to have a father like Panyerong Ogie.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments