Kahit sikat na… FRANCINE, FEELING WA' POWER DAHIL WALANG PINAG-ARALAN
- BULGAR
- Aug 9, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 9, 2023

Inamin ni Francine Diaz na kulang pa ang kanyang mga nalalaman lalo na pagdating sa edukasyon. Kaya kahit gaano man ka-hectic ang schedule niya sa kanyang showbiz career, pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
“Kapag alam ko na parang medyo kulang ang knowledge ko, I feel powerless,” pahayag ni Francine sa Magandang Buhay kahapon.
Knows ni Francine ang kahalagahan ng edukasyon kaya gayun na lang ang pagsisikap niya na makapagtapos ng pag-aaral.
“Mahalaga po sa akin ang pag-aaral kasi it makes me feel I am powerful. Ganu’n po kahalaga sa akin ‘yun. Hindi lang para masabi ko na matalino ako, nakapagtapos ako, pero pangarap ko rin po talaga ‘yun para sa sarili ko,” lahad ni Francine.
Tinanong din si Francine ng mga hosts ng Magandang Buhay na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung paano niya inaayos ang kanyang busy sched sa work and studies.
“For me, mas inuuna ko ang responsibility bilang anak kesa responsibility sa sarili ko. So, top priority talaga ang family and then, saka na lang ako,” tugon niya.
Tsinika pa ni Francine na may pagkakataon daw na nakakalimutan niya ang kanyang sarili sa kabisihan at ang iniisip nito ay ang kabutihan ng pamilya niya. Wala naman daw problema ‘yun kay Francine, since mas mahalaga sa kanya na hindi niya makalimutan ang pamilya.
Siya nga pala, kasamang bumisita ni Francine sa Magandang Buhay sina Sean Tristan at Raven Rigor para anyayahan ang mga manonood na panoorin ang huling tatlong linggo ng Dirty Linen sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.





Comments