top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit side view at naka-jacket… JULIA, TODO-TAGO NA, NAHALATA PA RING BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 14, 2022



Grabe ang mga eksena sa grand finale ng FPJ's Ang Probinsyano, kaya nag-trending ito sa social media.


Maraming pinaiyak na viewers ang action serye ni Coco Martin dahil sa mga nakakaantig na eksena ng mga miyembro ng Task Force Agila.


Sey nga ng aming kapitbahay, hindi raw niya namalayan na tumulo na ang kanyang luha habang nanonood.


True naman dahil kahit kami, umiiyak habang pinanonood ang action serye. Intense ang bawat scene ng mga cast.


Sino ba ang mag-aakalang si Michael de Mesa ang makapapatay kay John Prats at si CJ Ramos naman kay Mark Solis?


Pinag-disguise kasi ni John Arcilla sina Prats at Solis bilang kanyang tauhan. Sinuotan nila ng damit-pangrebelde ang dalawang Task Force Agila kaya napagkamalang mga rebelde.


Hindi naman makapagsalita sina Prats at Solis dahil may plaster ang kanilang bibig.


Animo SAF44 (namatay ang mga sundalo nu'ng time ni former President P-Noy) ang eksena nang mamatay ang lahat ng Task Force Agila. Tanging si Cardo Dalisay ang natitira sa grupo.


Sabi tuloy ng isang netizen, may tendency daw na may continuation ang action serye at ang magiging title ay "Ang Pagbabalik ni Cardo Dalisay."


Maganda rin ang pagbibigay ng moments ni Coco sa parte ni Susan Roces bilang si Lola Flora.


Tunay na luha ang dumaloy sa mga mata ni Coco nang hanapin niya si Lola Flora habang nakahiga pa sa kama at nagpapagaling.


Dinalaw kasi siya ng mga batang kasa-kasama niya noon sa AP.


Ang paborito niyang bata na si Onyok na 7 years old lang dati ay nandu'n din na 11 years old na ngayon.


Sa last scene ng finale episode ay ipinakita rin si Julia Montes bilang si Mara. Dito ay umiral na naman ang mapanuring mata ng mga netizens.


"Mukhang preggy si Julia. Nadagdagan na naman ang kanyang timbang at panay side view ang kuhang shot sa kanya. Naka-jacket para matakpan ang tummy."


Anyway, bumilib ang mga netizens dahil kahit nagtapos na ang FPJ's Ang Probinsyano ay hindi pa rin namatay si Cardo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page