- BULGAR
Kahit si James ang kasama ng aktres abroad… KINUMPIRMA NI OGIE: SINA LIZA AT ENRIQUE PA RIN
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 10, 2022

Sa latest vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update na in-upload last Wednesday night ay ibinalita nito sa mga co-hosts niyang sina Mama Loi, Ate Mrena at Tita Jegs na hindi totoong hiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Nabalitaan nga raw ito ng aktres habang nasa US na isa sila sa mga natutukoy sa blind item na hiwalay na at kaagad nitong pinabulaanan kay Ogie.
“Open ang communication namin ni Liza. Hindi porke't hindi na ako ang manager ay tapos na. Nagsasabi pa rin siya sa akin at hindi nga raw totoo. Sa katunayan ay si Enrique ang susundo kay Liza sa airport kapag bumalik na siya ng bansa,” pahayag ni Ogie.
Getting stronger ang relasyon ng LizQuen at ipinagdiinan pa ng ex-manager ni Liza na malaki ang tiwala ni Quen kay James Reid na inili-link sa aktres.
“Magkaibigan ang LizQuen at si James Reid noon pa kaya tiwala si Quen kina James at Liza,” saad pa ni Ogie.
Abangan na lang ang pagbabalik ni Liza sa bansa, baka sakaling magbigay siya ng official statement tungkol sa sinasabing hiwalayan.
Hmmm… sino kaya ang tinutukoy sa showbiz website na hiwalay na dahil pareho nang itinanggi ng KathNiel at ng LizQuen ang balita.
Baka naman patibong lang ito para maraming views ang nasabing website?