top of page
Heart Evangelista.jpg

Kahit sablay sa 4 na lalaki… JANICE, ‘DI PA RIN NADADALA, GAME PA RING MAGKADYOWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 29, 2026



Janice de Belen sa Julius Babao Unplugged - YT

Photo: Janice de Belen sa Julius Babao Unplugged - YT



“You know, I believe in love. I still believe in love,” ang pahayag ng aktres na si Janice de Belen nang mag-guest siya sa YouTube (YT) channel na Unplugged ng broadcast journalist na si Julius Babao kamakailan lang.


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga dating nakarelasyon ni Janice at kung handa pa ba siyang magmahal muli.


Tanong ni Julius, “Ano’ng konsepto mo sa pag-ibig ngayon? Are you still open to love again?”

Wika ni Janice, “You know, I believe in love. I still believe in love. I watch mga Korean dramas na pinapanood ko, puro love story ‘yun. Puro romcom. But that’s not for me.


“Kasi feeling ko, naka-apat na relationship na ako na nag-fail. S’yempre, meron kang forever ba na iniisip mo ‘yun?


“Forever... Pero ‘pag naka-apat ka na nag-fail na relationship, gaano kadaming beses mo pa susubukan? Gaano pa karaming beses mo isa-subject ang sarili mo sa hurt?


“Habang bata ka, madaling mag-recover from a heartache, but as you get older, the wounds are deeper and the scars are deeper and harder to heal.


“So, ‘di ba, parang feeling ko, ayoko na. Ayoko nang mag-heal. Mahirap, ah.”

Hirit na tanong ni Julius, “After John (Estrada), meron pa?”


Wika ni Janice, “Meron pa, one na lang. So 40 (yrs. old), ‘pag nasaktan ka. Let’s say na-in love pa ‘ko after 40, masakit na masakit, ‘di ba? Kasi iniisip mo na ‘yung time.


“Time is not the same. Time is very different. ‘Di ba, nu’ng bata ka, masaya lang? Masaya. ‘Pag nasaktan, get up, tayo ka uli, ‘di ba? Parang nahulog ka lang sandali. Tumayo ka. S’yempre, kasama ng pagsakit ng mga buto mo ‘yan. Mas mahirap nang mag-heal sa sugat.”

Dagdag na tanong ni Julius, “Malay mo naman, sa susunod mong makikita, eh, talagang mamahalin ka’t ‘di ka sasaktan?”


Wika ni Janice, “Ako ‘yung may problema kasi ‘pag nagmahal ako, eh, ano, bigay-lahat, bigay-todo. ‘Di ako marunong ng kala-kalahati.


“‘Yung gagamitin mo ‘yung utak mo, ‘wag puso mo. How do you do that? I don’t know. ‘Pag nag-I love you ka, brain ba ‘yung gamit mo? ‘Di ba, love, sa puso.


“Parang feeling ko, maybe it’s not for me because that’s my core. Initially, I was still hoping that I would actually meet someone I love again. Then when I became busy, started working, busy as in sobrang busy, parang okay naman ako. Okay naman ako.


“Sarili ko ‘yung oras ko. ‘Di ko kailangang mag-adjust ng oras para sa ibang tao. It’s me, you know, I don’t have to wait for a decision. ‘Di mo kailangang mag-consult sa ibang tao para sa desisyon.


“So, sabi ko, ‘Okay naman ako. Okay na ako.’ And I kept on telling myself that okay naman ako. Okay na ako. And I actually believe in it already. It’s been 18 years and okay ako, happy ako.”


Tanong ni Julius, “Happy ka naman?”


Wika ni Janice, “Happy ako. Happy talaga ako kasi sarili ko ‘yung time ko. Now it’s just me.

“Si Kaila, sinabi n’ya sa akin, ‘Ma, don’t you like to date?’ S’yempre, ang tagal kong tinignan s’ya. ‘Oh, why? Why do you want me to date?’ ‘Wala lang. So, you can meet somebody.’ ‘Why?’ Tanong ko talaga, why?


“Tapos, sabi ko, ‘Baka dahil nagde-date na kayo, ipinagpipilitan n’yo kong mag-date.’ Sabi niya, ‘No.’ Kaya lang, iniisip n’ya na ‘What?’ Malungkot ako or ganyan.


“Sabi ko, ‘Hindi naman. okay naman ako.’ And totoo naman, okay naman ako.”

Well, in fairness kay Janice de Belen ay maganda pa rin siya at kita naman sa magandang face niya na happy siya sa life niya.

‘Di ba naman, madlang people?





NAMAHAGI si Heaven Peralejo ng libreng gas para sa mga jeepney drivers sa tulong ng fan club na Marven Royals.


“P500 na gasolina, konting ginhawa para sa isang araw na pasada,” sey niya sa kanyang social media post.


Saad ni Heaven, “Pasada for a Cause. Para sa 150 jeep at motorcycle drivers na araw-araw bumibiyahe, lumalaban para sa kita at para sa pamilyang umaasa sa kanila.


“‘Di kailangang malaki, basta galing sa puso, umaabot.


“Sa mga magiting na drivers, salamat sa walang sawang pag-arangkada at paghatid ng serbisyo sa kalsada.


“Sa Marven Royals, salamat sa pagkakaisa at pagbibigay-buhay sa programang ito para makatulong sa iba.”


Good job, Heaven. Boom! Bongga ka r’yan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page