Kahit parehong single… BEA AT JOHN LLOYD, NAGDE-DATE NANG PALIHIM

Updated: Jan 9, 2021
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 6, 2021

Takot magpahula ang aktres na si Bea Alonzo pero dahil gusto niyang magkaroon ng kakaibang content ang kanyang vlog, pumayag siyang magkaroon ng tarot card reading ang isang feng shui expert-psychic upang malaman kung ano ang mangyayari sa kanyang career ngayong 2021.
Ang BFF niyang si Kakai Bautista ang kanyang nakasabay sa tarot card reading na ginawa sa kanyang bahay.
Maganda naman ang Year of the Ox para kay Bea Alonzo dahil may malaking project siyang gagawin at marami pang offers na darating. Okey din daw ang negosyong binabalak niyang buksan ngayong 2021.
Pero pagdating sa love life, walang nakitang kasalan na magaganap sa taong ito para kay Bea Alonzo. Ayon sa psychic-feng shui expert, seven years pa raw bago magpapakasal ang aktres!
Well, super-tili si Bea sa sinabing ito ng tarot card reader dahil 41 yrs. old na siya kung after seven years pa magpapakasal.
Paano na ngayon ang tandem-love team nila ni John Lloyd Cruz? Screen partners lang ba talaga sila? Bakit may mga tsikang sikretong nagde-date ngayon sina Bea at Lloydie at itinatago lang nila sa publiko at ayaw aminin?
Pareho naman silang single at loveless. So, palabas lang din ang mga guys na diumano'y manliligaw ni Bea?





Comments