top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahit pareho nang may boy… DEREK, LALAKI ANG GUSTONG MAGING ANAK NILA NI ELLEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 12 , 2021





Nang mag-celebrate ng kanyang 45th b-day si Derek Ramsay kamakailan, bigla na lang siyang nanggulat nang sabihing "I wish..... it's a boy!” nang kanyang hipan ang birthday cake. Kaya naman, inakala ng kanyang mga bisita na baka preggy na si Ellen Adarna.


Tanong naman ng iba, bakit boy ang gusto ni Derek na maging panganay nila ni Ellen gayung may dalawang lalaki na sa kanilang pamilya?


Teen-ager na ang anak ni Derek na si Austin sa una niyang nakarelasyon. Si Elias Modesto naman na anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz ay 3 yrs. old na. Puwedeng-puwede na ngang sundan ito.


Pero, sa pagkakaalam namin, may plano pang mag-honeymoon sa Europe sina Ellen at Derek.


Hinihintay lang nila na magluwag ang health protocols at safe nang bumiyahe.


Kaso, ngayong may bago na namang variant ng COVID na galing sa Africa, tiyak na hindi basta-basta aalis ng bansa sina Ellen at Derek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page