Kahit pandemic… ALEX AT TONI, TIBA-TIBA SA PAG-EENDORSO NG KANDIDATO AT SHOWS ABROAD
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 10, 2022

Big, big success at dinumog nang husto ng mga Pinoy ang concert ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa Dubai kamakailan.
All-out ang ginawang performance ng Gonzaga sisters kaya marami silang napasaya sa ating mga kababayan na nasa Dubai.
Bukod sa pagiging host ng Lunch Out Loud, isa ring top vlogger-influencer si Alex kaya kilala siya ng lahat.
Si Toni naman ay sunud-sunod na nag-trending sa social media dahil sa kanyang pagiging open na BBM supporter. Hindi siya natakot sa mga bashers. Pati na ang pagho-host niya sa PBB ay kanyang binitawan dahil sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.
Pinangatawanan na ni Toni ang pagho-host sa mga campaign rallies ng UniTeam nina BBM at Sara Duterte.
At kahit parehong abala sa kanilang showbiz commitments, nagkaroon pa sila ng time upang tanggapin ang offer na mag-concert sa Dubai.
Nakasama nilang bumiyahe pa-Dubai ang kanilang parents na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty, ganu'n din ang kani-kanilang mister. Join din sa kanila ang anak nina Toni at Direk Paul Soriano na si Seve.





Comments