Kahit never umaming nag-break… SOFIA AT DANIEL, NAGKABALIKAN NA
- BULGAR
- Jan 8, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 8, 2023

Bibo talaga ang anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda na si Zoe. Imagine, ang tatas niyang kumanta ng Gusto Ko Nang Bumitaw na kinagiliwan ng mga netizens. Viral ang nasabing pagkanta ng anak ni Sofia.
Sa ibinahaging video clip ng celebrity mom sa kanyang IG, hangang-hanga ang mga netizens.
Komento nila…
"Beautiful and very talented baby."
"Ang cute mo talaga, Zoe."
"Ang cutie naman ng batang 'yan."
Samantala, may tsikang hiwalay na sina Sofia at Daniel. Pero ang nakakabilib sa partner ng aktres, hindi niya pinaabot sa matagalang paghihiwalay ang kanilang relasyon.
Balitang nagkabalikan na umano ang dalawa at together again na kahit never naman silang umaming naghiwalay.





Comments