Kahit nasa korte na ang kaso… DEBBIE, NAGSALITA NA SA AWAY NILA NI BARBIE
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 30, 2022

Nagsalita na si Debbie Garcia ukol sa patung-patong na kasong isinampa niya laban kay Barbie Imperial tulad ng slight physical injuries, grave oral defamation and grave slander.
Although, hangga’t maaari, ayaw niyang magsalita about the case.
Agree kami kay Debbie sa puntong ‘yan. Kapag naisampa na sa korte ang isang case, baka makasuhan pa siya ng contempt. Kaya, selyado muna ang bibig ni Debbie nang hingan ng update sa kaso.
Maging sa social media accounts daw ni Debbie ay tinigilan niya ang pagpo-post.
On the other hand, nilinaw niya ang nababalitang relasyon niya sa ex-boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga. Magkaibigan lang daw talaga sila ni Diego.
But let’s wait and see sa mga darating na araw.





Comments