Kahit napatawad na ni Michelle… REGINE, 'DI PA RIN MAPATAWAD ANG SARILI SA PANG-AAGAW KAY OGIE
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 22, 2022

Nag-throwback si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kontrobersiyang kinasangkutan niya dati sa gitna ng hiwalayan ng dating mag-asawa na sina Michelle Van Eimeren at Ogie Alcasid.
Ibinahagi ni Regine ang pinagdaanan niya sa kasagsagan ng kontrobersiya bilang third party sa kanyang mister na ngayong si Ogie at sa ex-wife ng singer-composer na si Michelle sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.
Inamin ni Regine na isa raw sa mga pagsisisi niya sa buhay ay ang nakasakit siya ng ibang tao dahil sa 'di inaasahang pagkahulog ng loob niya kay Ogie.
"My husband and I started that way, pero 'yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi puwede rin namang mangyari talaga 'yun, eh... Hindi mo naman pinipili 'yung mga mamahalin mo, eh. Parang… gusto ko bang sadyain 'yun? Gusto ko ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman 'yun ang iniisip nila. It's just that, sometimes it happens," lahad ni Regine sa mga hosts ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kahapon.
Si Regine ang special guest co-host nina Momshie Jolens and Momshie Melai sa Magandang Buhay na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa A2Z Channel 11 and digitalized Channel 20 at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.
Hindi raw alam ni Regine kung ano ang sitwasyon ng pagsasama nina Ogie at Michelle that time.
“I don't know kasi hindi naman ako kasali doon, eh, but it happened. But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time? I love my husband, but if I could bring back the time, siguro, mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together,” sabi ni Regine.
Ang dalawang bata na tinutukoy ni Regine ay sina Leila at Sarah na mga anak nina Ogie at Michelle na ngayon ay pawang mga grown-ups na.
In fact, nasa showbiz na rin si Leila at kapiling sina Ogie at Regine, habang si Sarah naman ay nanatili sa Australia.
"For a while, I have to say I had to live with that guilt. Like I was living in that guilt and my husband would say, 'It was not about you. It was about me and Michelle.' But even then, I was there. I was part of it. I was the 'third party.'
“And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn't forgiving myself. And I'm still working on it.
"Every now and then, I would remember what happened to us and I'd still be guilty. So, mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. And I'm a decent person and I do not want to hurt anyone. That's the last thing that I would want in my life. But it happens,” pag-amin pa ni Regine.
Sa ngayon ay napatawad na raw niya ang sarili.
"I think na I'd already forgiven myself, 'yung hindi na ako masyadong nagi-guilty. But once in a while, I would remember, or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls. But iniisip ko na lang, hindi na 'yun 'yung sitwasyon, eh. Ako na 'yung asawa niya, eh. I'm not outside anymore. I'm his family now. So, tina-try kong tanggapin 'yung sarili ko doon."
Dugtong pa niya, "But again, it's very difficult because the kind of person that I am... I remember things. I don't like anyone... Very sensitive ako na ako na lang 'yung magsasakit-sakitan, kesa masasaktan kita."
At sa pagtatapos ni Regine, payo niya sa mga nagiging third party, piliin lang nila kung ano ‘yung nasa puso nila.
“And it's very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya, eh. But you need to give importance to yourself. You need to love yourself. Lagi mo dapat pipiliin 'yung sarili mo.
“Tingin mo na pinipili mo 'yung sarili mo, that's why you're in that situation. But actually no, you're not choosing yourself when you're in that situation.
"Before you really make yourself involved with this person, isipin mo muna sa sarili mo kung kaya mo ring panindigan 'yun. Kasi it's really very, very difficult to be in that (situation)," pahayag pa ni Regine.
At dahil binuhay muli ni Regine ang nakaraan, matatandaan na na-involve rin siya sa kapwa niya singer na si Ariel Rivera na boyfriend ni Gelli de Belen that time.
Also, nasira rin ang friendship nila ni Bing Loyzaga noon dahil naman sa pagkakaugnay ni Regine sa mister ng tiyahin ni Diego Loyzaga na si Janno Gibbs. Although, nagkabati na rin sina Regine at Bing.





Comments