top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Kahit nakatampuhan ni Sen. Grace noon… SHERYL, NAGPUNTA SA WAKE NI SUSAN

  • BULGAR
  • May 26, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 26, 2022



Dagsa pa rin ang mga kaibigan at supporters na nakiramay sa pamilya ni Sen. Grace Poe sa wake ng kanyang yumaong ina, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces sa The Heritage Park, Taguig City last Tuesday.


By the time na lumabas ang kolum naming ‘to, maaaring nailibing na ang mga labi ng ina ni Sen. Grace sa Manila North Cemetery sa tabi ng puntod ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr..


On the night we went sa wake ni Ms. Susan, super thankful kami sa pag-a-assist sa amin ng senior staff ni Sen. Grace na si Judith Sto. Domingo and her husband na si Sir Peter. Personal kaming nakapagpaabot ng pakikiramay sa butihing senadora at sa kanyang guwapong anak na si Brian Poe Llamanzares that night.


Kung last Sunday ay mga kasamahang artista ni Ms. Susan sa Kapamilya teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano ang nagbigay ng pa-tribute, tila gabi naman ng mga artistang nakatrabaho ng ina ni Sen. Grace mula Sampaguita Pictures hanggang sa ibang malalaking movie companies ang nagbigay ng kanilang pagpupugay sa yumaong veteran actress nu'ng Martes.


Nasagot ang isa sa mga tanong namin kung darating ba ang pamangkin ni Ms. Susan na si Sheryl Cruz sa wake. In fairness, nandoon naman si Sheryl.


Matatandaan na nagkaroon ng isyu kina Sheryl at Sen. Grace noong tumakbo ang huli sa pagka-presidente noong 2016. Pero mukhang okey naman na ang mag-pinsan.


Ang ‘di namin nakita sa wake at napag-alaman namin na 'di pa nakakasilip sa kanyang tiyahin ay ang kapatid ni Sheryl na si Wowie Cruz.


Habang ang ina nina Sheryl at Wowie na si Rosemarie Sonora ay nagpasabi na raw na hindi makakarating sa wake ng kanyang elder sister. Inaalagaan din daw kasi ni Rosemarie sa USA ang kanyang mister na may cancer.


Sa gitna ng pagdadalamhati, hindi pa rin pinabayaan ni Sen. Grace ang ilang mahahalagang bagay sa Senado na kailangan niyang asikasuhin din nang personal.


Narito ang caption na inilagay ni Sen. Grace sa larawan ng mga artistang nagbigay ng kanilang last respect sa kanyang ina, “Ang ipinakitang pagmamahal ni Ms. Susan Roces o Tita Swanie sa kanyang mga kasamahan at kaibigan sa industriya ay hindi talaga matatawaran. Ang alaalang iniwan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino ay patuloy na magniningning sa bawat henerasyon.”


Halos nakasabay namin sa pag-uwi si Maricel Soriano, ang bagong konsehala ng District 2 sa Pasig City na si Angelu de Leon with hubby na si Wowie Rivera, Helen Gamboa, Pops Fernandez, Harlene Bautista and Federico Moreno, Bibeth Orteza, Roderick Paulate, Annabelle Rama, Ruffa and Eddie Gutierrez.

Dumating din that night sina Bacoor City Mayor Lani Mercado, Matet de Leon, NIA senior deputy administrator Benny Antiporda at Yassi Pressman.


Mapalad si Yassi among her contemporaries dahil nakatrabaho niya si Ms. Susan sa FPJ's Ang Probinsyano nang matagal.


Siyempre, krayola si Yassi sa wake ni Ms. Susan o ng kanyang Lola Flora sa Ang Probinsyano.


Sa show ni Yassi na Rolling In It Phils. na sa Sabado raw ang start sa TV5, 7:30 pm, ay naikuwento niyang shocked daw siya sa pagkamatay ni Ms. Susan.


Hindi raw kasi alam ni Yassi na maysakit ang aktres. Wala naman daw itong nababanggit sa kanila kahit nu'ng time na nag-pandemic at kinukumusta niya ito.


Kaya naman ganu'n na lang ang lungkot niya nang pumanaw si Susan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page