Kahit nakapag-bail na… ATTY. PERSIDA: VHONG, PUWEDE PA RING MAIBALIK SA KULUNGAN
- BULGAR
- Dec 20, 2022
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 20, 2022

Tumangging magbigay ng personal niyang opinyon ang head ng Public Attorney’s Office na si Atty. Persida Rueda V. Acosta sa kasong rape ni Vhong Navarro na inihain ni Deniece Cornejo.
Tinanong kasi namin si Atty. Persida during a tete-a-tete with the officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa opisina ng PAO kahapon kung agree ba siya sa sinasabi ng mga netizens na nakakuha ng one point si Vhong sa pagga-grant ng korte na makapagpiyansa siya.
“Pero ano…baligtad. Kasi kapag petition for bail, ang magpe-present muna, ‘yung prosecution.
Dapat nakapag-present,” panimula ni Atty. Persida.
Natigilan siya sandali and then maya-maya, nagpatuloy na.
“Ngayon, ayaw kong sagutin ‘yan kasi subjudice (ibig sabihin, wala pang court decision kaya 'di pa puwedeng pag-usapan sa publiko) ‘yun. Mahirap sagutin ‘yan. Hindi natin alam, baka makapag-present ang piskalya ng malakas na ebidensiya. Puwede pa siyang ibalik sa kulungan.
Ganoon ‘yun, eh. Depende ‘yan, eh,” pasubali niya.
Baka raw hindi nakakapag-present ang kampo ni Deniece kaya biglang na-grant ang bail ni Vhong.
“Kasi ang rule dapat, tingnan ng judge kung malakas o hindi. Eh, hindi pa nakapag-present, bineyl (bail). Questionable ‘yung bail.
“Hindi ko alam ang buong proseso kung bakit na-bail, eh. Kalalabas lang ng decision ng Court of Appeals. Pagdating sa korte, bail agad.
“Sabi ng Court of Appeals, may probable cause. Kaya hindi natin alam kung ano talaga ang nakabalot sa kaso. Kaya mahirap sagutin,” diin niya.
May mga inconsistencies daw kasi si Deniece?
“Mahirap tayong pumatol d’yan ngayon, eh, kasi wala tayong access sa records.
“Ngayon, abangan natin ang susunod na kabanata. Mako-convict ba o maa-acquit ba? ‘Yun ang tanong. Ang sasagot niyan ay ang Huwes, hindi tayo.”
We asked her again if this is the first time na ang isang akusado sa rape ay napayagang makapagpiyansa.
“Sa aking experience, eh, sa PI (preliminary investigation) pa lang, napapawalang-sala, preliminary investigation pa lang, nadi-dismiss ‘yung kaso kapag talagang walang ebidensiya.
Sa experience ko as a lawyer for more than 13 years, oo.
“Ngayon, first time ‘yan na nakarating ‘yan hanggang Court of Appeals. Pagdating sa RTC (Regional Trial Court), na-bail. ‘Yun ang point doon.
“So, ang point d’yan, eh, hindi natin alam kung ano ang ebidensiya. Ang judge ang nakakaalam at ang records. So, mahirap magbigay ng opinyon dahil masasabit tayo d’yan.
Masa-subjudice tayo d’yan.
“Vhong-Deniece, Deniece-Vhong. Bibistahan pa ‘yan ng court. Kaya nga petition for bail pa lang ‘yan, eh. Hindi pa talaga trial for the merits ‘yan.”
Lastly, ishinare ni Atty. Persida ang personal take niya sa kaso ni Vhong.
“Generally speaking, galit ako sa rapist, kasi babae ako. Pero kung wala namang sala, may hinawakan ako nu’ng araw at na-prove kong girlfriend niya (kasi) may love letters ‘yung girl…
Kaya preliminary investigation pa lang, na-acquit ang kliyente ko.
“Oh, see? Patas tayo, eh. Wala kang sala, uwi ka. May sala ka, bistahan ka. Ganoon lang ‘yan.
Patas ang batas dapat.
“Pero huwag na nating pag-usapan ‘yan, subjudice ‘yan. Hintayin natin ang susunod na kabanata dahil may sinasabi si Deniece, may sinasabi si Vhong.
“Magbabakbakan sa korte ‘yan. Hahatulan ‘yan ng ating hukuman kung sino ang tama. Hindi pa tapos ‘yan.
"Imagine, isang milyon (bail)? Ngayon lang ako nakakita ng bail, inabot ng isang milyon?!”
Unimaginable pa rin para kay Atty. Persida ang bail for a rape case worth P1M.
“Kasi ano ‘yan, eh, reclusion perpetua 'yan, eh. Habambuhay dapat ang ihatol d’yan. Kaya siguro ang taas ng bail. Pero ngayon lang ako nakakita ng bail na one million,” sabi pa ni Atty. Persida. On a lighter note, type ni Atty. Persida ang new generation of female stars na gumanap bilang siya if ever alukin na gawing pelikula ang kanyang life story.
Ang ilan sa mga suggestions namin kay Atty. Persida ay sina Belle Mariano, Charlie Dizon at Barbie Imperial.




Comments