top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit nakalabas na sa ICU… ATE NI KIM, WALA PA RING MALAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 25, 2023




Puno ng pasasalamat ang laman ng pinaka-latest Instagram Story ng actress at It's Showtime host na si Kim Chiu last Sunday night.


Nakalabas na kasi sa intensive care unit (ICU) ng ospital ang panganay niyang kapatid na si Lakambini "Lakam" Chiu.


Pinasalamatan ni Kim ang lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ni Lakam.


Mensahe ni Kim sa naturang IG Story, "Thank you for your prayers for my Ate Lakam. Sorry I was not able to reply to each one of you. She is out of ICU last night.She is transferred to a normal room. We are waiting for her consciousness to regain.


"Maraming salamat po for praying. Tuloy lang po sana tayo sa pagdarasal. Thank you po sa inyong lahat."


Pero kahit nakalabas na ng ICU si Lakam, nananatiling wala pa ring malay ang kapatid ni Kim.


Malaking kuwestiyon din sa mga fans and followers ng aktres ang tunay na dahilan ng pagkakasakit ng kanyang ate.


Sa Instagram account ni Lakam, makikita ang mga pinakahuling posts ng mga pictures niya habang nagbabakasyon sa Balesin Island last Holy Week.


And then, noong birthday ni Kim last April 19 ay nagulat na lang ang marami na biglang nasa maselang kalagayan na si Lakam.


Si Lakam pa naman ang laging punong-abala sa mga ganap ni Kim. Kaya nga instead na masayang ipinagdiwang ni Kim ang kanyang kaarawan ay kabaligtaran naman ang nangyari.


Hindi na nga nagawang kumain sa labas ni Kim kasama ang nobyong si Xian Lim, sapagkat kinailangan na niyang isugod ang nakatatandang kapatid sa ospital.


Ang tanong, nasamahan man lang ba ni Xian si Kim habang nasa ospital ang GF at binabantayan ang kanyang eldest sister?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page