top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahit naka-move on na raw… CARLA, 'DI PA RIN MASIKMURANG PAG-USAPAN SI TOM

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 23, 2022



Back to her normal life ang Kapuso actress na si Carla Abellana matapos ang ilang buwang pananahimik mula nang maghiwalay sila ni Tom Rodriguez.


Lumalabas na si Carla at humaharap sa entertainment press kapag kailangan niyang i-promote ang kanyang mga endorsements. Pakiusap lang niya sa press ay huwag nang ungkatin at pag-usapan ang tungkol sa naging problema nila ng kanyang ex-husband.


May bago nang chapter ang kanyang buhay ngayon at marami siyang pinagkakaabalahang gawin tulad ng kanyang bagong negosyo na beauty soap at scented candles. Ito ang kanyang pinagbuhusan ng panahon noong magulo ang kanyang mundo.


Excited din si Carla sa ipinagagawa niyang dream house na malapit nang matapos. Last March 2022 niya ito sinimulang ipatayo.


In the mood na rin si Carla na muling magtrabaho kung may bagong serye na ibibigay sa kanya ang GMA-7. Request nga ng kanyang mga fans, pagsamahin silang muli ni Max Collins sa isang project. Ang galing kasi ng kanilang kombinasyon.


Sa ngayon ay sa mga guestings muna sa ilang shows ng GMA Network napapanood si Carla Abellana, tulad sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong gabi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page